Hindi niya pinansin si Latina at tanging kay Raven lang nakabaon ang tingin niya. Nakasuot ang dalaga ng simpleng knee length denim shorts at puting t-shirts. May hawak pa itong gray na cap sa isang kamay. Kaibahan ang hitsura nito sa ibang babae, wala itong ni isang kolereteng nilagay sa mukha. Natural na mapula ang labi at mamumula mulaang mukha dahil sa init. nakapony tail ang buhok nito kaya exposed na exposed ang leeg at colar bone. Nagpalipat lipat ang tingin ni Latina sa mukha ng dalawang kasama niya. Parang mga tangang nag tititigan ang mga ito, lalong lalo na ang pinsan niyang may mukhang gandang ganda sa nakikita. Kulang nalang ay malaway ang kuya niya. Hello? Nandito po ako! Tumikhim siya para matauhan ang dalawa. Napakurap si Dash. Luminaw ang paningin niya na kanina ay n

