"Buhay ka na pala, Dash!"
Umagang-umaga ang ganda ng bati ni Cale sa kanya. Isang malakas na tapik sa balikat at siko sa sikmura ang binigay nito bago siya inakbayan at inipon lahat ng bigat nito sa braso, kaya halos matumba sila sa ginawa ng tukmol kundi lang dahil kay Raven na naka-abang sa likod nila.
"Lagnat lang ang sakit ko hindi cancer," sagot niya dito na may halong pagka-irita.
Hindi pinansin ng buang ang sinagot niya, "Akala ko kukunin ka na talaga ni satanas eh! Effective palang nurse itong si Raven, may tagapangalaga ka na may tagabantay ka pa!"
Ang ingay ng bunganga ni Cale. Ang lakas pa ng pagkakasabi nito sa part na 'nurse' at 'Raven' na tila may pinaparingan. Ilang segundo lang ay pinapalibutan na sila ng kalalakihang nahuhumaling sa babaeng tomboy na nasa likod nila.
Sabay-sabay na nagtanong ang mga ito, ang lalakas pa ng boses at ang hyper. Kulang nalang isandal siya sa pader at i-corner. Pero kahit huwag na, corner na corner na siya ngayon sa sitwasyon niya.
Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ng mga unggoy na ito. Sumasakit tuloy ang ulo niya, hindi niya ine-expect na ganito ka dami sa mga kaklase nila ang may crush kay Raven, isali pa ang ilang kababaehan na nakikichismis.
"Distance yourselves or else..."
Upon hearing that voice, lahat sila natahimik at lumayo sa pwesto nila. Wow, apat na salita lang ni Raven parang mga tuta na natakot ang mga ito. Well, he heard it is not a secret that Raven is part of Cale's gang. May naalala siyang isang fact tungkol kay Raven.
The shadow leader, huh?
"Distansya mga pre, ayaw niyo naman sigurong makakita ng totoong anghel ng kamatayan, diba?" ang nakaka-inis na boses ni Cale at sinabayan pa ng tawa nitong pang demunyo, na klaro namang trying hard ang tukmol.
"Tumahimik ka nalang, Cale," kunot noong sita niya dito, "Gustong gusto mo talaga ng atensyon no?"
"Dash pare! Nagkakamali ka yata," humarap ito sa kanya baon ang nakakalokong ngisi nito, "Hindi ko gusto ng atensyon, ang atensyon ang may gusto sa akin."
Wow. Proud pa ito ah? Pumalakpak siya, wala siyang masabi. Tumango tango pa si Cale na parang ang taas ng inabot nito sa palakpak niya lang.
"Oo na, bahala ka sa buhay mo," saad niya para matapos na.
Dumokdok siya sa mesa, buong klase ganoon ang posisyon niya. Hindi naman siya sinita ng prof, nasa mood sigurong huwag maki-alam sa students. Pagkatapos ng lahat ng klase ni Dash sa araw na iyon ay balak niyang umuwi ng maaga at dadaan sa super market para mag grocery.
Pero nasa gate palang siya ng university nakita na niya ang dalawang aninong nakaabang sa kanya. Huli na para umatras at mag-iba ng ruta, nakita na siya ng mga ito at as usual pumaibabaw na naman ang boses ni Cale.
"Oy! Dash! Sabayan ka na naming umuwi!"
Tinakpan niya ang mukha. Nakakahiya si Cale, kelalaking tao ang tinis ng boses. May gana pa itong sumigaw sa gitna ng maraming tao. Nakatayo lang sa gilid nito si Raven at naka-cross arms.
Iba na ang suot nitong damit, naka-sandong puti na ito na pinatungan ng leather jacket na itim. Puti din ang pants na suot at itim na sneakers. Kinabit na naman nito ang mga piercing sa mukha at sa taenga. Walang kahit na anong make-up na suot pero ang flawless parin ng mukha at ang pula ng labi.
Sarap halikan at kagatin.
Umiling siya, ano bang iniisip niya?! Pinagpapantasyahan niya ang babaeng ito? Itong mukhang emong babaeng 'to? Sure siya?
"Hindi pwede, may bibilhin pa ako sa super market," sagot niya nang makalapit siya sa mga ito.
"Edi sasama kami sa super market!"
"Bawal maingay doon."
"Hindi ko alam na library na pala ang super market ngayon?"
Sinamaan niya ng tingin si Cale, "Hindi ka pwede dahil para kang manok na tuka ng tuka!"
"Ang laki ko namang manok kung ganoon," nakangiting malaking sagot nito na may pa inosenteng mukha pang kasama.
Iritang irita si Dash sa pagmumukha ni Cale. Lalo na noong inakbayan nito sa Raven at hinila paalis.
"Tara na nga, Raven. Mukhang hindi na natin mababago ang isip ni Dash," sabi nito habang naglalakad palabas ng campus, "Alam ko na! Punta tayong amusement park, date nalang tayo!"
Umuusok hindi lang ang ilong kundi pati ang taenga ni Dash at mahahaba ang hakbang na may kasamang bigat at inabutan ang dalawa. Pumagitna siya sa mga ito at tinulak si Cale palayo kay Raven.
"Sasama pala kayo sa supermarket eh! Kanina niyo pa sana sinabi para hindi tayo nagsasayang ng oras!" klarong may halos inis ang kanyang pagkakasabi kahit na ang lively ng tonong ginamit niya. Makikita mo ang mga ito sa ekspresyon palang ng mukha niya.
Ngingisi-ngisi si Cale na sumunod. Patalon talon pa ang ungoy at may kasama pang nakakainis na tawa na parang nanalo sa isang pustahan.
Buang talaga.
Pagdating sa supermarket hindi niya pinayagang sumama ang dalawa. Iniwan niya ang mga ito sa labas dahil sigurado siyang gulo lang ang dala kapag sinama niya ang mga iyon sa loob. Lalo na si Cale na sobrang likot.
Hindi naman siguro susunod ang mga iyon, at kung aalis man sila ay mas mabuti pa nga iyon. Pero aalis? Sinong niloloko niya? Mas matigas pa sa bato ang ulo ni Cale kaya siguradong susunod iyon mayamaya lang.
Ang mabuti pa ay bilisan na niyang mamili para makaiwas sa posibleng mangyaring gulo kapag naisipan ng ungoy na iyon na sumunod.
Hahanay na sana siya sa counter nang biglang may kamay na humila sa cart niya. Gulat na napahigpit ang kapit niya at umapela, pero tila walang naririnig ang lalaking humihila sa cart at nadala siya sa paghila nito hangang marating nila ang lugar kung saan walang masyadong customer at napapalibutan ng boxes.
Storage room ito ng supermarket.
"Ano to? Paraanin niyo ako!"
May limang lalaki sa harap niya, matangkad at malaki ang katawan. Parang mga wrestler na kinuha mula sa World Wrestling Entertainment o WWE ang mga ito. Nakakalula lalo na ang tatangkad nila.
Ito na ba ang mga sinasabi ni Cale? Na sa oras na tumapak ka sa mundo ng underground hindi ka na makakalabas. Outsider siya, hindi welcome ang outsider na katulad niya, kaya naman...
Hina-hunting siya ng mga ito ngayon.
Kung mamalasin ka nga naman o, kagagaling niya lang sa sakit tapos ito ang isasalubong sa kanya.
Buhay nga naman parang life. Sana all matiwasay ang buhay, pero wala namang taong perpekto. Lahat may dadaanang butas ng karayum kaya walang taong swerte at walang taong malas.
Teka, bakit siya dumating sa ganoong topic?
Bago siya magpahawa sa mga words of wisdom ni Raven, kailangan niya munang harapin ang mabigat na pagsubok na kinahaharap niya ngayon. Mukhang hindi madadaan sa santong dasalan ang mga ito.
Hinila niya sa gilid ang shopping cart at naghanap ng pwedeng armas laban sa mga ito pero puro box lang ang nakikita niya. Patay tayo dito, may maaabutan pa kayang buhay na Dash sina Cale?
Bad idea sigurong pinahintay niya sa labas ang dalawa.
Tumakbo patungo sa kanya ang isang kalaban, out of instinct tumalon siya at kumapit sa tubo na daluyan ng tubig para sa sprinkler. Inangat niya ang katawan at sinipa sa mukha ang kalaban. Napaatras ito ng ilang hakbang, hinigpitan niya ang kapit sa tubo at parang ungoy na nilipat ang kamay sa karugtong na tubo sa harap niya para mas mapalapit sa kalaban at binigyan na naman ito ng malakas na sipa sa mukha.
Tumba ang malaking mama, binitawan na niya ang tubo at bumagsak siya sa likod ng nakahilatang kalaban. Sinadya niyang lakasan ang impact ng pagbagsak niya para intense at maramdaman nito ang sakit. May narinig silang tunog na tila nabaling buto.
Nagjo-joke lang siya, hindi bad idea na sa labas lang sina Cale.
Mas nasa advantage siya kung walang sagabal sa pakikipaglaban. Hindi pa ito ang oras para malaman ng mga iyon kung sino talaga siya.
Gulat ang natirang apat na nakatayo pa, which is kayang kaya niyang patumbahin kagaya nitong nauna. Hindi nila aakalaing kaya niyang makipagsabayan sa larangan ng pakikipaglaban.
Gusto niyang ngumisi sa mga ito na parang nang-aasar, pero tinatamad siyang gayahin si Cale kaya sinugod niya kaagad ang mga ito at hindi na binigyan ng oras para maiproseso ang nangyari.
One hour earlier...
SINUNDAN ng tingin ni Raven ang limang kalalakihang sumunod papasok sa super market. Kitang kita niya na sinundan ng mga ito si Dash. Hindi na siya nagdalawang isip na pumasok para samahan ang binata ngunit may humila sa suot niyang jacket.
"Behave, Raven."
Nilingon niya si Cale na seryosong nakatitig sa kanya at nakapansak sa bulsa ang kaliwang kamay. Binitawan nito ang jacket niya at muling sumandal sa gilid ng pinto.
"I have a feeling that we'll witness something extraordinary today," nakangiting ani nito, "Aren't you curious, Lady Black?"
Black... he called her using the name which she only use when they are fighting outside the arena. Isang klase ng laban na kahit gangsters ay maiihi sa takot dahil buhay ang magiging kapalit kapag natalo ka.
Alam ni Cale kung anong mga aktibidad niya dahil ito ang nagpasok sa kanya sa mundong ito.
Sa mundo ng mga iba't ibang klaseng armas at kamatayan.
Hinubad ni Cale ang suot na polo uniform, may suot itong puting t-shirt sa loob. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya sabay hila sa kanya papasok sa super market. Akala ba niya hindi nila susundan ang mga iyon?
"Susundan natin pero mag-oobserba lang tayo," saad ni Cale.
Mukhang hindi napansin ni Dash na sinusundan siya. Aliw na aliw ito sa pamimili ng groceries. Hindi naman sila nagpapahalata at sinigurado nilang hindi din sila mapapansin ng sumusunod kay Dash.
Nang gumawa na ng hakbang ang mga ito para atakihin si Dash, nakita nalang ni Raven ang sariling nakatago sa loob ng isa sa mga malalaking box sa storage room at pinapanood mula sa butas ang laban na nangyayari.
Napatakip siya ng ilong, ang baho. Nagkataong mga bulok na prutas ang box na pinasok nila ni Cale. Nagkasya silang dalawa dahil sa laki ng box, iyon nga lang pareho silang nakaupo at nasa bandang leeg nila ang mga bulok na prutas.
Tinignan niya si Cale, napalingon naman sa kanya ang huli.
"Oh, huwag mo akong tignan ng ganyan!"
"Bakit?"
"Blanko lang ang tingin mo pero alam ko kung ano ang takbo ng isip mo, babae!"
"Ano?"
Mas tinitigan niya pa ito ng husto. Umiwas ito ng tingin, nakita niyang may tumulong pawis mula sa noo nito. Medyo mainit talaga dito lalo na at nakalubog ang buong katawan nila sa mga bulok na prutas.
"Huwag mo akong titigan, baka ma-in love ako."
"Nababaliw ka na."
Inuntog nito ang ulo sa mga prutas, "Wow, wala ka talagang naramdaman kahit katiting na emosyon? Ang bad mo, Raven."
Hindi siya sumagot at pinanood ang nangyayari sa labas. Napatumba na ni Dash ang tatlo sa mga kalaban, dalawa nalang ang natira. Kahit siya hindi niya aakalaing may tinatagong ibang katauhan si Dash.
Kaya pala noong unang kita niya palang dito ay may nararamdaman na kaagad siyag kakaiba. Isang pakiramdam na bago sa kanya.