"Hindi mo ba talaga ako papansinin?" "Sinabi ng wala lang 'yon eh." "Unggo napaka selosos mo!" Sunod sunod kong sabi sakanya habang mabilis lang siyang nag lalakad sa loob ng mall. Sinasamaan ko naman din yung bawat babaeng di mapigilang tignan siya. "Hi. Kanina pa kita nakakasalubong. Mag isa ka lang ba?" Lapit pa sakanya ng babae na nakamaikling palda. Tsk. Naubusan ba siya ng tela? Huminto naman siya sa pag lalakad at nilingon yung babae. "Baka gusto mong sumama samin?" Lapit pa nung isang kasama niyang babae. Para silang kiti kiting kinikilig. Subukan niya lang na pansinin yang mga yan. Sa labas talaga siya ng bahay matutulog mamayang gabi -_- Seryoso ko. "Pleaaassee?" Pag papacute pa nila. Kaya naman lalong kumukulo yung dugo ko. "Eliza. Buti naabutan pa kita." "Oh? Clyde?"

