ELIZA POV "Ma.." Tawag ko kay Mama habang nakatingin siya sa langit. "Alam mo mula nung una ko siyang nakita ayoko na sakanya.." Banggit ni Mama. "Pero bakit Ma?" Nag tatakang tanong ko at niyakap ko si Mama mula sa kanyang likuran at tumingin din sa langit. "Kasi naaalala ko ang papa mo sakanya. Tuwing titignan ko ang mga mata niya nakikita ko sakanya ang papa mo." Paliwanag ni Mama habang pinipikit ang kanyang mga mata. "Ma...Iba si Jericho kay Papa." Pag tatangol ko kay Unggoy. "Ayoko lang anak na masaktan ka katulad ng nangyari sakin. Kasi mahal na mahal kita anak." Sabi ni Mama sabay dilat at humarap siya sakin. "Ibig sabihin ba nung kanina Mama bibigyan mo ng chance si Jericho?" "Aling kanina? Di ko alam ang sinasabi mo Eliza. Pero sige na matulog na tayo." Sabi niya lang hab

