Jaicy's POV "Ryu tama na!" Pilit ko s'yang tinulak palayo sa kawawang lalaki. Duguan na ang mukha nito at wala ng malay. Jusko! Agad kong hinarang ang sarili ko nang akmang papatungan ulit ni Ryu ang lalaki. "Tama na sabi!" malakas na sigaw ko. Nag-igting ang panga n'ya at marahas na binitawan ang kwelyo ng lalaki. Naaawa akong napatingin sa binata. Halos mamaga na ang mukha nito sa dami ng tinamong sugat at pasa. Napalayo ako nang maglapitan ang kasamahan nito. Mukhang kanina pa sila nandito at nanonood. Galit akong tumingin kay Ryu na masama pa rin ang tingin sa lalaki. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na may ganitong side s'ya. Nahihiya akong napatingin sa nagbubulungang mga nanonood. Galit kong hinablot si Ryu palayo sa mga nagkakagulong mga tao. Hindi na naman s'ya nagma

