Jaicy's POV
Tahimik lang akong nakabuntot sa kan'ya habang nakapamulsa s'yang naglalakad.
Suot n'ya ang itim na hoodie at isang fitted pants terno ng kanyang mamahaling sapatos. Normal at simple lang naman ang damit n'ya pero nagmumukha s'yang artista dahil sa pagtingin sa kanya ng ilang mga kababaihan.
Hindi ko naman maitatanggi ang kag'wapuhan ni Ryu. Noon pa man ay hindi na talaga nagpapahuli ang tila gangster look na kakisigan n'ya sa kanilang magkakapatid. Mapungay ang mga mata niya na parang mangangain ng buhay kapag galit. Sa taas nito ay ang kanyang makapal na kilay na halos magdugtong tuwing siya'y naaasar. Matangos at mataas ang kanyang ilong gaya ng sa kanyang ama. Mapula ang mga labi na parang sa aratilis at medyo tan ang balat n'ya na lalong nagpapadagdag sa s*x appeal n'ya.
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa detalyadong paglarawan ko sa kanya pero alam ko namang gusto n'yo rin 'yon.
Napatigil ako sa paglalakad nang bigla s'yang lumingon sa 'kin.
"Should I be the one leading the way?" iritableng saad n'ya.
Bahagya naman akong nahiya. Ang usapan kasi ay ako ang maglilibot sa kanya pero s'ya ang sinusundan ko.
"S—Sorry," bulol na sagot ko.
Kotang kota na 'ko sa sobrang kahihiyan sa kanya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naiilang ako sa kanya ng sobra. Siguro ay dahil nakita ko ang malaki n'yang kargada?
Muling uminit ang pisngi ko nang maalala ko ang tulog n'yang ibon kanina. Erase! Erase!
"Ryu? Ikaw na ba 'yan?" sambit ng isang babae. Tinaas ko ang tingin ko at napaawang ang bibig ko sa seksing babaeng nakatayo sa harapan namin ngayon.
Si Jane ba 'to?
"Wow! Ikaw nga. Ang laki na nang pinagbago mo. Naaalala mo pa ba 'ko?" nakangiting tanong ng babae.
Bumaba ang tingin ko sa dibdib n'yang parang gusto nang kumawala sa masikip n'yang tube. Napahawak tuloy ako sa leeg ko dahil ako ang nasasakal sa pagkakaipit ng melons n'ya.
Hindi naman ganito ang karaniwang sinusuot ni Jane tuwing lumalabas ng bahay. Nakapagtataka naman at puno pa ng kolorete ang mukha n'ya. Parang nagpapaganda lang s'ya kay Ryu.
Bahagyang pumakla ang ngiti n'ya nang hindi sumagot si Ryu. Ramdam ko ang dismaya ni Jane kaya ako na ang sumagot.
"Sorry ah? Naninibago pa kasi si Ryu. Kahapon lang s'ya umuwi—"
"Yes, I do remember you."
Gulat akong napatingin kay Ryu. Blangko lang s'yang nakatingin sa babaeng halos mapilas ang mukha sa pagkakangiti.
"P'wede ba kitang imbitahan—"
"Sure," putol ni Ryu at nagsimulang maglakad palayo. Naiwan kaming dalawa ni Jane na habol s'ya ng tingin.
Inis na lumingon sa 'kin si Ryu. "Stop being a slowpoke!" inis na bulyaw n'ya. Mabilis akong nagpaalam sa babae at sumunod sa kanya.
Dinala ko s'ya sa paborito naming playground no'ng bata kami.
Sa dagat.
Malamig ang simoy ng hangin pero hindi 'yon naging hadlang upang hubarin ni Ryu ang sapatos n'ya. Umapak s'ya sa malambot at pinong bahangin at tinanaw ang asul na dagat.
Tumabi ako sa kanya at tiningnan ang tinatanaw n'ya. Mga batang naglalaro at naghahabulan. Tipid akong napangiti. Tinaas ko ang tingin ko sa kanya at nakapikit na ang mga mata n'ya habang dinadama ang preskong hangin.
"You changed," mahinang saad n'ya.
Nagulat pa ako dahil bigla n'ya akong kinausap. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy n'ya. Kung 'yong pisikal na anyo ko ba o ang personality ko. Hindi ko na rin kasi alam dahil marami na talagang nagbago sa loob ng anim na taon.
"H—Huh?" ang napili kong itugon.
Minulat n'ya ang mga mata n'ya at diretsong tumingin sa 'kin. Muntik pang manlabot ang mga tuhod ko dahil sa nakatutunaw n'yang mga tingin. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko dahil parang hinihigop ako ng mga mapungay n'yang mata.
"You used to blow my face when my eyes are closed," mahinang saad n'ya.
Napatigil ako sa sinabi n'ya.
Naaalala n'ya pa 'yon?
Ilang ulit akong kumurap kurap bago naglabas ng isang pekeng tawa. "A—Ah... Hahaha! Oo, ginagawa ko nga pala sa 'yo iyon noon, 'no?" natatawang tugon ko.
Nakatingin pa rin s'ya sa mga mata ko na tila binabasa ang nasa isip ko kaya pinilit kong ibaling ang tingin ko sa dagat.
Ramdam ko ang kabog sa dibdib ko habang nanatili s'yang nakatitig sa 'kin.
Naiilang na ko Ryu!
"Magandang hapon sa inyo."
Napatingin ako sa likuran namin at si Mike ang bumungad sa 'kin. Agad akong ngumiti at bumati pabalik sa kanya. "Magandang hapon din."
Ngumiti s'ya sa 'kin at binaling ang tingin kay Ryu na bahagyang nakakunot ang noo. "Magandang hapon sa 'yo," nakangiting bati niya kay Ryu pero hindi s'ya nito pinansin. Napangibit naman ako dahil sa kasungitan n'ya.
"Salamat sa libreng tilapia kanina ah!" masayang saad ko at tinapik ang balikat n'ya. Hindi nakatakas sa mata ko ang pamumula ng tainga n'ya.
Napakamahiyain talaga.
"W—Wala 'yon. Marami kasing huli kaya nagbigay si Papa ng libre sa Mama mo," nagkakamot ng batok na sagot n'ya. Tumango tango naman ako.
Ang bait talaga ng Papa n'ya. Mabuti na lamang at namana ni Mike 'yon.
"Ang totoo n'yan ay nandito ako para imbitahan kayo."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. May kasiyahan ba?
"Birthday kasi ng Mama ko. Kung gusto n'yo lang naman pumunta," nahihiyang sabi n'ya.
"Happy birthday sa Mama mo! Sasabihan ko si Mama na sa inyo na kami dadayo ng hapunan," natatawang biro ko na lalong nagpapula ng tainga n'ya.
Gusto ko sanang bunutin at igisa ang nangangamatis n'yang nga tainga pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang cute ng taong 'to.
"S—Sige una na 'ko sa inyo. Hihintayin ko kayo mamaya," nakangiting paalam n'ya. Kumuway ako at pinanood ang pag-alis n'ya.
Nilingon ko ang tahimik na si Ryu at nawala ang ngiti ko nang makita ko s'yang nasa malayo na at naglalakad na pauwi.
"Bastos talaga 'tong lalaking 'to..." bulong ko.
Padabog ko s'yang sinundan. Halos dalawang oras rin ang napatay namin sa pamamasyal. Mukhang nag-enjoy naman s'ya kahit hindi n'ya pinapakita.
Naghugas ako ng paa sa poso habang diretso s'yang pumasok ng bahay nila.
Nakayakap sa sarili akong sumunod sa kanya. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay kadiliman na agad ang sumalubong sa 'kin.
"Hindi man lang magbukas ng ilaw 'tong mga 'to..." naiiling na bulong ko at pinindot ang switch ngunit gano'n na lamang ang gulat ko sa nakita kong senaryo sa sofa nila.
Si Jane at Lei na magkapatong at walang pakialam kahit nahuli ko na sila.