Jaicy's POV
Nakapikit ang mga mata n'ya at tila ninanamnam ang pagkakadikit ng mga labi namin sa isa't isa. Nagmistula akong poste na hinahalikan n'ya. Kung hindi pa gumalaw ang mga labi n'ya ay hindi ako matatauhan.
Agad kong natulak si Prince. Muntik pa 'kong mahulog sa kinauupuan ko dahil para s'yang pader na hindi man lang natinag at nanatili sa puwesto n'ya.
Bakas sa maamong mukha n'ya ang pagkalito habang pula at nag-iinit naman ang mukha ko sa pinaghalong hiya at gulat.
Sinasabi ko na nga ba eh! Kung no'ng mga bata kami ay napigilan ko s'ya, ngayon hindi na. Ang akala ko kasi ay iba na ang pananaw n'ya ngayong malaki na kami. Malay ko bang iba pa rin ang pagkakaintindi n'ya sa healing kiss na 'yon...
"Bakit mo 'ko hinalikan!" naghihisterikal na sigaw ko. Malilintikan ako kapag nalaman 'to nina Mama.
"I—I'm sorry."
"Prince hindi mo dapat ginawa 'yon."
"Kuya Prince," pagtatama n'ya. Napairap ako.
"Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ang nangyari. Naiintindihan mo?" striktong sabi ko. Dahan-dahan s'yang tumango. Napabuga ako ng hangin.
"At huwag na huwag mo nang uulitin 'yon." dagdag ko. Hindi 'to p'wedeng malaman ng kahit sino. Baka iba ang isipin nila. Lalo na sa kanya na isang sikat na pintor. Ayokong madungisan ang career n'ya. Nagsisimula palang ang journey n'ya sa art industry.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Parang hindi n'ya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. Blangko s'yang tumingin sa 'kin.
"No. I don't understand," walang emosyong sagot n'ya. Kumunot ang noo ko.
"Ano'ng I don't understand? Hindi mo ba naintindihan ang tagalog ko? Ang sabi ko don't do that again!" Pag-iingles ko pa pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha n'ya. Blangko. Madilim.
"No. I promise to keep that sweet kiss between you and me. But I can't promise to not do that again."
Kumunot ang noo ko.
"I can't promise that I won't kiss you again."
Nagusot ang mukha ko sa sinabi n'ya. Pinagsasabi nito? Nagtataka akong tumingin sa mga mata n'ya pero nag-iwas s'ya ng tingin. Ano'ng pinaglalaban n'ya? Alam kong alam n'ya na image n'ya ang iniisip ko kaya nalilito ako kung bakit kontra s'ya nang kontra. Mahirap ba ang huwag ako halikan?
"So may balak kang ulitin gano'n?" sarkastikong tugon ko. Seryoso s'yang tumingin sa 'kin.
"Yes. I like kissing you."
Napatigil ako sa sinabi n'ya. Ilang saglit pa akong natahimik bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Mukhang kailangan ko pang ipaliwanag nang masinsinan sa kanya na mali 'yon.
"Hindi naghahalikan ang magkaibigan, Prince. Gawain lang 'yon ng magkasintahan. Tsaka pareho tayong lalaki kaya mas lalong hindi p'wede," nakasimangot na sabi ko. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi n'ya pero agad din 'yong nawala.
"You're not lalaki Jaicy," mababang boses na kontra n'ya.
Natahimik ako. Kagat labi kong pinigilan ang sariling tumingin sa malayo. Ayokong magmukhang defensive. Hindi n'ya alam ang totoong pagkatao ko dahil ni minsan ay hindi naman n'ya pinuna ang malambot na kilos ko. Sigurado akong hindi n'ya alam ang bagay na 'yon. Tumikhim ako at pilit na binalik ang seryosong mukha ko.
"So kung hindi ako lalaki, ano pala 'ko?" nanghahamong tanong ko.
Ngumisi s'ya. "A woman trapped in a man's androgynous body."
Lumambot ang mukha ko sa sinabi n'ya. Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko habang nakatingin sa asul n'yang mga mata. Kahit mapaglaro ang ngiti sa mga labi n'ya ay kita ko ang sinseridad sa mukha n'ya.
Gusto kong itanggi ang sinabi n'ya pero hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko.
He sounds so sure. Na parang noon pa man ay alam n'ya na. Walang bahid ng kahit ano'ng pagdisgusto o panunuya sa boses n'ya. Sa halip ay pagkamangha ang mababasa mo sa mukha n'ya. Kumiskislap ang mga mata n'yang nakatingin sa 'kin at tila tuwang-tuwa sa ideyang sa lalaki ako nagkakagusto.
"A-Ano ba'ng sinasabi mo. Haha!" Awkward akong tumawa at nilagok ang binigay n'ya sa 'king baso ng tubig.
Matamis s'yang ngumiti sa 'kin at tumayo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang tumapat sa mukha ko ang gitnang bahagi ng katawan n'ya.
"Let's make a deal." Pinasok n'ya ang maugat n'yang mga kamay sa sweatpants n'ya at nakayukong tumingin sa 'kin. "I promise to keep that sweet kiss of ours a secret if and only if..." pabiting sabi n'ya at pilyong ngumiti. "You let me kiss you anytime and anywhere I want."
Awtomatikong nanlaki ang mata ko. "Hindi ayoko!" agarang tanggi ko. Muling sumeryoso ang mukha n'ya.
"Ah-ah-ah! I'm serious Jaicy unless you want me to proudly share that sweet kiss to Lei, Ryu, Dad an-"
"Oo na!" putol ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Napapikit ako sa sobrang asar. Kailan pa s'ya natutong mang-blackmail? Mabibigat ang mga hininga kong binaba ang tingin sa sahig ng kusina nila. I guess tama nga ang sinabi ni Lei.
May nagtatagong kapilyuhan sa likod ng maamong mukha ng mga lalaki.
"Are you mad?" malambing na tanong n'ya. Nanatili lang akong nakapikit. Hindi ako makapaniwalang napapayag n'ya ako sa deal n'ya. Ang inosenteng kababata ko na si Prince ay gumagawa ng gano'ng deal? Ni hindi pa nga yata s'ya marunong magtali ng sarili n'yang sapatos.
Naramdaman ko ang marahan n'yang pagpisil sa baba ko para igawi ang tingin ko sa kanya. "Do you hate my kiss that much? You don't look so happy," matabang na sabi n'ya.
"H-Hindi naman sa gano'n. Hindi ko lang kasi maintindihan. Bakit gusto mo kong hinahalikan?"
"Isn't it obvious?" nakangiting tanong n'ya.
"Huh?"
"I like you Jaicy."
-
Hindi ko alam kung paano ko nagawang lisanin ang senaryo namin ni Prince sa kusina kanina.
Iniisip ko pa rin ang huling sinabi n'ya bago ako takasan ng sanity ko. Gusto n'ya 'ko?
"Boo!" Sinundot pa ni Lei ang magkabilang baywang ko pero hindi pa rin ako nagulat. Kitang-kita ko ang reflection n'ya sa salamin ng k'warto. May pag-tiptoe pa si kumag.
"Magdamit ka nga!" asar na sabi ko sa kanya.
"Sungit! Malay ko bang nandito ka sa k'warto ko," natatawang tugon n'ya at ninakawan pa 'ko ng halik sa leeg.
Ang totoo ay hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Akala ko noon ay si Lei ang pinakaweird sa kanilang tatlo dahil sa pagiging pilyo at manyak nito pero nagkamali ako.
Mas okay pala 'yong nakasanayan mo nang pilyo kaysa sa hindi mo alam na may tinatagong kapilyuhan.
Nataas ko na lang ang kamay ko nang pilit na ginapang ni Lei ang maugat n'yang kamay sa baywang ko. Hilig talaga mangyakap.
"Got a problem?"
Umiling ako.
"You look like you do."
Napabuga ako ng hangin. Pinatong n'ya ang baba n'ya sa balikat ko.
"Actually, I'm leaving. I have plans tonight kaya sabihin mo na sa 'kin kung ano man 'yan 'cause I won't be here later," bulong n'ya.
Kilala n'ya talaga 'ko. Bigla ko tuloy naisip kung alam n'ya ring malambot ako. Mas madali kasing bumasa si Lei kaya hindi imposible 'yon.
"Wala nga. P'wede ba 'ko matulog dito?" tanong ko.
"Hmm? Yeah sure. Why?"
"Aalis kasi si Mama eh. Reunion nila ng batch mates n'ya. Wala akong kasama sa bahay." Humaba ang nguso ko.
Takot kasi ako mag-isa. Hindi ko alam. Basta napa-praning ako na baka biglang may kumatok na kapre at kuhanin ako.
"Ow okay. Agahan ko uwi for you." Kumindat s'ya at muling hinalikan ang leeg ko.
Sabay kaming lumabas ng k'warto n'ya. Balak ko sana s'yang ihatid palabas pero bigla ring nagbukas ng pinto si Prince.
"Eyo! Big bro. Catch you later." Nagmamadali s'yang bumaba ng hagdan. Nagkatitigan kami ni Prince. Namula ako nang bigla s'yang ngumuso na parang bata.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang mga labi n'ya. Ngayon ko lang ulit napansin kung gaano s'ya katangkad.
"Sweet," nakangiting komento n'ya at ginulo ang buhok ko.