Jaicy's POV
Hindi na ako binitawan ni Mike simula nang makita n'ya 'ko. Dumikit s'ya sa 'kin na parang tuko kaya hindi ko magawang kumain ng ayos.
"Ahhh," nakangangang saad n'ya habang hinihintay na isubo ko ang kutsarang nasa tapat ng bibig ko.
"Mike kaya kong kumain mag-isa. Pumasok ka na nga sa k'warto mo. Lasing ka na yata eh," nagkakamot ng sentidong tugon ko sa kanya. Humaba naman ang nguso n'ya dahil hindi ko tinanggap ang sinusubo n'ya sa 'king kanin at ulam.
Nakatingin na ang iba sa amin dahil para kaming magnobyo kung umasta s'ya. Naturingan pa naman s'yang anak na lalaki ng may birthday pero ito s'ya at nagkakalat.
Kung anu-ano pang ginagawa at sinasabi.
Kesyo ang cute ko raw. Kung p'wede ba n'ya raw ako halikan sa pisngi at kung anu-ano pang sigurado akong pagsisisihan n'ya once na mahimasmasan s'ya kinabukasan.
"Nakainom ako pero hindi ako lasing," nakangusong depensa n'ya sa sarili.
Napabuntong hininga na lang ako. Tiningnan ko ang dalawang lalaking kasama namin sa table. Si Lei na panay ang harot sa isang babaeng hindi ko kilala at sigurado akong mas hindi n'ya kilala at si Ryu na tahimik na umiinom ng beer.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Mike sa baywang ko.
"Mike!" suway ko pero sinandal n'ya lang ang ulo n'ya sa balikat ko.
"Huy! Umayos ka nga. Pinagtitinginan na tayo," bulong ko kanya pero parang wala s'yang narinig at mas nilapit pa ang sarili sa 'kin.
Naiilang akong ngumiti sa mga taong nagdadaan at napapatingin sa table namin.
Jusmiyo 'tong lalaking 'to. Napaka-clingy kapag nalalasing!
"Gusto kita..." Rinig kong bulong n'ya.
Nanlaki ang butas ng ilong ko dahil mukhang makasasaksi pa 'ko ng live confession n'ya sa ibang babae.
Napatingin sa 'min si Ryu. Mukhang narinig n'ya rin ang sinabi ni Mike. Peke akong ngumiti sa kanya at kinuway ang kamay ko para sabihing h'wag pansinin ang sinasabi ng katabi ko.
"Gusto kita Jaicy..."
Napatigil ako sa sunod na sinabi n'ya.
Ano raw?
Sinilip ko ang nakatungong si Mike. Nakapikit lang s'ya habang nanatiling nakayakap sa 'kin. Sinubukan kong ilayo ang katawan n'ya sa 'kin pero mas lalo n'ya kang akong niyayakap ng mahigpit.
"Gusto kita Jaicy," ulit n'ya. This time ay malakas na kaya nanlalaki ang mata kong napatingin sa mga kasama ko sa table.
Nakangisi na si Lei sa 'kin habang si Ryu naman ay nakatingin sa malayo. Inirapan ko ang pilyong tingin ni Lei sa 'kin at tinuon ang atensyon sa lasing kong kaibigan.
Inalog ko ang katawan ko para magising s'ya at mukhang effective naman dahil tinaas n'ya ang ulo n'ya at diretsong tumingin sa 'kin.
"H'wag kang malikot," mahinang sabi n'ya at sumiksik sa leeg ko.
"Huy!"
"Uhmmm..."
"Ano ba! Nakikiliti ako Mike."
"...."
"Mike!"
"...."
Napairap na lang ako sa sobrang asar. Hindi kami p'wedeng makitang ganito ni Mama at Tita. Baka kung ano pa'ng isipin nila.
"Bitaw na. Ihahatid kita sa k'warto mo," wika ko.
Nilayo n'ya ang mukha n'ya sa leeg ko at tumingin ng diretso sa mata ko. Maga na ang mata n'ya sa sobrang antok pero nakukuha pa n'yang pumulupot sa 'kin na parang tarsier.
"Sasamahan mo 'ko sa k'warto?" tanong n'ya.
Parang mali ang intindi n'ya sa sinabi ko pero hinayaan ko na lang. Mukhang effective naman kasi dahil lumuluwag na ang yakap n'ya sa 'kin.
"Oo kaya bitaw na." Ngumiti ako sa kanya para pakawalan n'ya na 'ko at ginawa naman n'ya.
Inalalayan ko s'yang tumayo dahil pasuray suray na s'ya. Kay lalaking tao napakahina sa alak. Sino ba kasing nagpainom dito? Asar... Hindi ko tuloy ma-enjoy 'yong kaldereta ni Tita Olive.
Tumingin ako kay Lei at napairap na lang ako dahil nakangisi na naman s'ya. Utak talaga nito may ubo.
"Ihahatid ko lang s'ya sa k'warto. Bantayan n'yo pagkain ko ah," bilin ko. Tumango naman si Lei. Binaling ko ang tingin ko kay Ryu na walang pakialam.
Hindi naman siguro sila makikipaglampungan habang wala ako, 'no?
Pagaywang gaywang kaming naglakad patungo sa k'warto n'ya. Hindi kami napansin dahil lahat sila ay abala sa pagkukuwentuhan at paglantak sa mga pagkain. Medyo nangangalay na ang balikat ko dahil sa bigat n'ya pero tiniis ko na dahil malapit na naman kami.
"Jaicy gusto kita..." bulong n'ya. Hindi ko s'ya pinansin dahil alam kong drunk talk lang naman 'yon.
Patay talaga sa 'kin 'to bukas.
Binuksan ko ang pinto ng k'warto n'ya at saka s'ya inalalayan papasok sa loob. Sinipa ko ang pinto pasara.
"Haaa!" malakas na sabi ko matapos ko s'yang ibagsak sa kama n'ya. "Ang bigat mo!" reklamo ko sa kanya.
Ngumiti s'ya ng pagkalawak lawak sa 'kin at tinapik ang tabi n'ya. Napatawa naman ako dahil mukhang seryoso s'yang sasamahan ko s'ya dito sa k'warto. Umupo ako sa tabi n'ya at tinitigan s'ya.
Kawawa naman ang kaibigan ko. Wasted na wasted.
Gusot na ang suot n'yang puting T-shirt at gulo na rin ang buhok n'ya.
"G'wapo ka pala," komento ko. Natawa ako nang mamula ang mga tainga n'ya.
Nakukuha n'ya pa talaga mahiya sa lagay na 'yan.
Bumangon s'ya at umupo kagaya ko. Humarap s'ya sa akin at ngumiti na parang bata.
"Hindi ako lasing Jaicy. Inaantok lang ako pero hindi ako lasing," inosenteng saad n'ya at hinawakan ang kamay ko.
Ang clingy talaga.
"Oo na, hindi ka na lasing." Matigil ka lang.
Dinikit n'ya ang kamay ko sa mukha n'ya at pumikit. "Hindi ka naniniwala sa 'kin na gusto kita?" tanong n'ya. Napabuntong hininga ako.
Close kami dahil kaklase ko s'ya at magkumare ang mga magulang namin pero hindi ko talaga alam na may ganitong side s'ya. Sobrang kulit n'ya. Para s'yang bata.
"Kiss kita gusto mo?"
Napatigil ako sa sinabi n'ya. Tinitigan ko ang g'wapong mukha n'ya. Nanatili pa rin s'yang nakapikit at naghihintay ng tugon mula sa 'kin.
Minulat n'ya ang mata n'ya kaya nagtama ang mga mata namin. Sinubukan kong basahin ang mga mata n'ya at mukhang seryoso s'ya na nagpakaba sa 'kin.
Isang "Gusto kita Jaicy," na lang yata at maniniwala na 'ko.
Gumapang muli ang kamay n'ya sa baywang ko. Kumakabog na ang dibdib ko dahil sa kaba na baka totoo ang mga sinasabi n'ya ngayon at hindi lang dala ng kalasingan n'ya.
"Jaicy..."
Mapungay na ang mga mata n'ya. Bumaba ang tingin n'ya sa labi ko. Napalunok ako dahil sa nakikita kong pananabik sa mga mata n'ya.
Hahalikan n'ya ba 'ko?
Dahan-dahan n'yang nilapit ang mukha n'ya sa 'kin. Humigpit ang hawak n'ya sa kamay ko at sa mga oras na 'to ay wala na akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na tambol ng puso ko.
Ito na ba?
Ito na ba ang first kiss ko?
Pinikit ko ang mata ko at hinintay ang pagdampi ng labi n'ya sa labi ko.
Mahigit sampung segundo na yata akong nakapikit pero wala pa ring dumidikit sa labi ko.
Minulat ko ang mata ko at napasimangot ako nang makita ko s'yang mahimbing nang natutulog habang bahagyang nakaawang ang bibig.
"Loko to ah..."
Gusto ko mang isubo sa bibig n'ya ang medyas n'ya ay hindi ko ginawa. Sa halip ay kinumutan ko s'ya at umalis na ng silid.
Nagtataka akong napatingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng k'warto ni Mike at mukhang hinihintay ang paglabas ko.
"Ryu? Bakit ka nandito?"
Blangko s'yang tumingin sa 'kin.
"Your food," maikling sagot n'ya at umalis.