Jaicy's POV Napasigaw na lang ako nang biglang suntukin ni Ryu si Maximo. "RYU!" Parang wala itong narinig at tinilapid ang lalaki kaya bumagsak ito sa buhangin. Sinakyan n'ya ang kawawang lalaki at pinaulanan ng maraming suntok sa mukha. Natulala naman si Lei at parang hindi alam ang gagawin. Nagmamadali akong bumaba ng jet ski at pinigilan s'ya. "Ryu, tama na! Ano ba!" malakas na sigaw ko. Buong pwersa ko s'yang tinulak papalayo kay Maximo. Duguan na ang buong mukha n'ya. Jusko! Buhay pa ba s'ya? "Caballo loco," daing ng kawawang lalaki. Nakahandusay ito sa pangpang at puno ng sugat at pasa. Tutulungan ko sana itong tumayo nang biglang may humila sa braso ko. Si Ryu. "What the hell, man!" malakas na bulyaw ni Maximo sa katabi kong halos pumutok ang mga ugat sa sobrang galit.

