Jaicy's POV Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong urges ba 'yong sinasabi ni Ryu. Gusto ko s'yang tanungin pero tingin pa lang n'ya napapaatras na 'ko. "Hindi ka pa ba matutulog?" inaantok na tanong ko. Napanguso ako nang hindi n'ya 'ko pansinin. "Ang sungit," mahinang bulong ko. Kanina pa kami dito sa labas ng tent. Tahimik akong nakaupo sa upuan habang s'ya naman ay nakaupo sa katawan ng puno. Hindi na n'ya ako pinansin matapos n'yang sabihin sa 'kin 'yong sa urges na sinasabi n'ya na hindi ko naman naintindihan. Kung ano man 'yon, wala na akong pakialam. Inaantok na talaga 'ko. Kung ayaw n'ya matulog p'wes ako matutulog ako! Nakasimangot akong tumayo ng upuan at dire-deretsong pumasok ng tent. Hindi ko na s'ya pinansin. Bahala s'ya. Susungitan n'ya rin naman ako. "

