Jordan Pov "Muntikan ka na doon Jordan" ang sabi ni Atom sa akin pagkatapos ng performance namin. Oo muntikan na ako sumablay. Buti na nalang nakuha ko agad ang steps at di ako nawala. Gumugulo talaga sa utak ko ang nangyari sa amin ni Albie. "Pareng Jordan anong gumugulo sa isip mo?" ang tanong sa akin ni Brad. Nagpapahinga kami ngayon at maya maya ay sasabihin na ni Sir Lewis yung mga guest namin. "Maya ko nalang sabihin sayo. Di ito ang tamang oras para sabihin yun." ang pilit ngiti kong sabi sakanya. Tumango lang siya sa akin. At pinuntahan yung iba namin kasama. Ako naman nakaharap sa salamin. Malaking pagkakamali ang nagawa namin. Lalo na ako pumatol ako sakanya. Kung puwede ko lang sapakin ng malakas sarili ko ginawa ko na. Kinakain ako ng konsensya ko ngayon. Sana di

