Jordan POV Parang bomba sumabog ang sinabi sa akin ni Alfonzo. May nangyari sa kanila ni Brad. Tang1na talaga! Di ko na siya sinumbatan dahil lalo lang hahaba ang usapan. Di ko alam kung paano ko kakausapin si Brad. Baka magtanong pa siya ng kung anu ano. Malaman pa niya na may namamagitan sa amin ni Alfonzo. Medyo nakahinga na din ako dahil nasabi ko sakanya ang gumugulo sa isip ko. Si Albie ang dahilan kung bakit natatakot akong malaman niya ang katotohanan. Takot akong magalit at masira nanaman ang pagkakaibigan namin. Pero sa ngayon ay nanamnamin namin ni Alfonzo ang bawat isa. Mahal ko na talaga siya. Kahit malayo ang agwat sa edad namin di naman halata sa itsura ni Alfonzo. Natutulog ng mahimbing ngayon si Brad agad na umuwi kanina dahil masama ang pakiramdam nito

