Alfonzo Pov Di ko akalain na iibig muli ako sa edad kong ito na 40's. Wow as wow lang. Si Jordan ang taong muling nagpatibok sa natutulog kong puso. Sino bang magaakala na sa di namin inaasahang pagkikita sa isang madilim na eskinita ay siya pala ang umpisa ng isang kwento ng pagibig. Naayos ko na ang problema kay Simon. Buti nalang nakinig siya sa akin. Alam kong balang araw maiintindihan din ako ni Simon na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay. Naalala ko ng unang nagtapat siya sa akin sa harap pa namin ni Albie John. _______________ "Al mahal kita!" ang sabi ni Simon habang naiinuman kami sa bahay nila kasama si Albie John kakatapos lang ng JS PORM namin. Napansin yata niya na tahimik kaming dalawa ni Albie John. "D-di n-na puwede Simon." ang sabi ko sakanya "What

