Jordan Pov Nandito kami ngayon sa Rald's Box Café. Kala ko sa hotel o motel kami pupunta. Bakit kaya dito kami pumunta? Habang hinihintay namin ang order namin ay wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Ramdam ko din na pinipigilan niya magsalita. Kanina sa loob ng kotse niya ay nakatulala lang ako sakanya. Di talaga ako makapaniwala na binalikan niya ako. Napamura nalang ako sa sarili ko. Ano ba tong ginagawa ko para akong babaeng kinikilig. "So anong pangalan mo" ang tanong niya titig na titig siya sa akin. Ang lakas ng aura niya. Buti nalang nakakayanan kong makipagtitigan sa kanya. Gwapo talaga ang loko. Teka parang may kahawig siya. Ngayon ko lang kasi napagmasdan ang mukha niya. Noon kasi alam ko lang gwapo siya pero di ko masyado napagmasdan ang mukha niya di

