Chapter 18

1148 Words
Sinundo na siya ng Ninong Sam niya at sa bahay na nilang mag asawa siya titira.May kalakihan din naman ang bahay ng mga ito hindi nga lang kasing laki ng bahay ni Bruno. Dalawa lang ang guest room ng bahay ng mga ito.Ang dalawang anak nito ay parehong nasa Austrilia.Pinagamit sa kaniya ang isang kwarto ng bunsong anak ni Ninong Sam dahil matagal na rin naman daw hindi umuuwi ang mga ito.Nagustuhan niya rin naman ang kwarto ni Mae.Ang cute puro hello kitty nga lang. May isang linggo na siyang nagtatrabaho bilang secretary ng Faria Publishing Company. Lalo silang naging close ni Iago madalas niya itong kasama. Pag pumupunta sa bahay ng Ninong Sam niya si Bruno hindi niya ito pinapansin. Hindi pa rin mawala ang sakit sa dibdib niya ng masaksihan ang pakikipaglandian nito sa kaniyang secretary.Siguro nga may relasyon sila ng babaeng iyon kaya hindi nito magawang ipasok siya sa kumpaniya nito.Baka nga naman siya pa ang maging hadlang sa relasyon meron ang dalawa sa tahasan niyang ipagkalat na boyfriend niya ang nag iisang Prince niya.Naiyak siya dahil nasasaktan siya.Pero kailangan niyang maging responsible na lalo na ngayon.Hindi na siya bata na nangangarap na makatuluyan ang pinaka-hinahangad na prinsipe.Para lang iyon sa mga fairy tale lover.Hello nasa 2020 na tayo para magpakahibang sa pinapangarap na kaniyang Prince kung ito mismo walang nararamdaman sa kaniya.Lust lang ang namagitn sa kanila ng binata.Kaya kahit masakit at nasasaktan siya pinipilit niyang ilayo ang sarili sa isang pangarap na bindi niya makakamit.Kailangan niyang gumising sa katotohanan. Hindi niya kailangan pilitin ito para magustuhan siya.Malabo naman talaga na magustuhan siya nito kaya nga hantaran kung umiwas sa kaniya si Bruno.Siya lang itong makulit na parang isip bata. Naalala niya ang pinsang si Celine na noon ay naghahabol din kay Nick pero natauhan na ang pinsan dahil wala nga naman mapapala ito kung iba naman ang gusto ng lalaking pinapangarap. Masaya siya para dito dahil natagpuan nito ang lalaking mahal na mahal siya. Naninibago nga lang ba siya?Or He really missed her?Walang brat na madaldal at makulit na umaaligid aligid sa kaniya.He missed her teasing him like she always do.Tumayo siya sa kama at nagpalakad lakad sa loob ng kaniyang kwarto.Mag dadalawang linggo ng wala sa bahay niya ang dalaga simula ng lumipat ito sa Uncle Sam niya.Ilang gabi na rin siyang puyat kakaisip dito. Naiirita siya every time na pupuntahan niya ito sa bahay ng Uncle niya na para bang hindi sila magkakilala.Alam niyang gustong gusto siya ng dalaga kaya naninibago siya sa inaasta nito. Naisipan niyang pumasok sa connecting door patungo sa kwartong ginagamit ni Rochelle sa bahay niya. Aminado siyang na miss niya ang dalaga. May mga damit pang naiwan sa cabinet.Ang mga damit na binili niya para dito.Napatiim bagang siya pinapakita ba nito na baliwala siya dito.Ganun lang ba kadali mawala ang feelings nito sa kaniya?Alam naman niya kung bakit galit ito sa kaniya. Napamura siya sa mga kagaguhang ginagawa.Sinadya niyang iwasan ito dahil sa ayaw niyang mapasubo ng wala sa oras pag pinatulan niya ang dalaga. Wala pa sa plano niya ang mag asawa at alam naman niya kung anong mangyayari pag nakipag relasyon siya sa dalaga at isa pa nahihiya rin siya sa Uncle niya. Bumangon siya sa kama nito,tatayo na sana siya ng mapansin ang isang bagay na nakapatong sa side table. Muli siyang umupo sa gilid ng kama at dinampot ang puting bagay. "What the--oh f**k!!napamura siya sa nakita. Hawak ang pregnancy test na bumalik sa kaniyang kwarto. Tiim ang bagang na tinitigan ang PT na hawak.Its possitive!! Parang gusto niyang pilipitin ang leeg ng dalaga. Wala ba itong balak na sabihin ang bagay na iyon sa kaniya?Kung hindi niya pa sinasadyang makita hindi niya malalaman na nagdadalang tao ito. Gustong gusto niyang komprontahin ang dalaga pero nasa alanganing oras na para tawagan niya pa ito.Ilang oras na lang mag uumaga na at may flight siya sa Singgapore for 3 days meeting conference para sa business.Hindi niya pwedeng i cancel ang mga meetings niya dahil importante iyon sa kaniyang Company. Tatlong araw na nagbabakasyon ang parents ni Rochelle sa Manila.Sa bahay ng kaniyang Ninong tumutuloy ang mga ito. Kahit alam na ng magulang niya na hindi pusher si Iago at naka under cover ito that time hindi pa rin gusto ng ama ang binata. Hindi nito iniimikan ang binata kahit na magkakaharap ang mga ito. Nasa hapag kainan sila at masayang nag uusap ang nanay at tatay niya at Ninong Sam. Special ang mga lutong pagkain ang pinahanda ni Tita Jean dahil minsan lang naman daw mag bakasyon ang magulang ni Rochelle. Nakakadalawang subo pa lang siya ng makaramdam na parang hinahalukay ang kaniyang tiyan.Tutop ang bibig na tumakbo sa lababo ang dalaga.Nagduduwal siya,lahat ng kinain niya kanina ay inilabas niya. Hinahagod naman siya sa likod ni Iago.Ininvite niya kasi ang binata na doon na mag dinner. "okay ka lang?"bulong ni Iago dito masama na kasi ang tingin ng kaniyang magulang nung bumalik sila sa mesa. "Ikaw Rochelle magsabi ka nga sa amin,buntis ka ba?"galit na tanong ni Tatay Roger. "Wag kang mag sinungaling Rochelle kahapon ko pa napapansin ang pag duduwal mo.Kaya magsabi ka sa 'min ng totoo."walang kangiti ngiti sa labi ng kaniyang ina. Kinakabahan siya dahil alam niyang galit ang mga ito. Nakayukong umamin siya sa mga ito kaharap ang Ninong at ang asawa nito. "Buntis ka?At iyang lalaking iyan ang ama?Sa tingin mo ba papayag ako na hindi ka niya panagutan?Pwes kahit ayoko sa kaniya ipapakasal ko pa rin kayo.Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa atin sa Probinsya pag nalaman nilang buntis ka at hindi ka pinanagutan."galit na galit ito. "Ehem....I agree kumpare kahit ako iyan din ang gagawin ko para sa anak ko." ani Ninong Sam. Nagkatinginan sila ni Iago. "Bakit hindi mo sabahin sa kanila kung sino ama niyan?"bulong ng binata. Tiningnan niya ito ng masama.Wala siyang balak ipaalam sa mga ito kung sino ang ama ng dinadala niya.Para ano pa kung tatanggihan naman siya di napahiya pa siya.Iyong ngang magkasama sila sa iisang bubong iniiwasan na siya nito. Isa pa ayaw niyang pakakasalan siya nito dahil sa pinagbubuntis niya.Hindi siya papayag,masakit pa rin sa kaniya ang nakita sa opisina nito.Baka naman kamuhian na siya ng binata pag inagaw niya pa ito sa higad na nobya nito.Siya pa ang lumabas na masama. Kung alam naman niya hindi rin naman siya mamahalin nito itatago na lang niya,baka hindi lang pag iwas ang gawin ng binata kung pipilitin ito ng kaniyang magulang na pakasalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD