00013xxx Important "Pao! Yung sundo mo pinagkakaguluhan na naman nila Mam Tessa sa labas!" pagtawag sa akin ni Krizia mula sa labas ng locker room. Inaayos ko na kasi yung gamit ko at tapos na yung shift ko ngayon. Marami pa ring pasyente pero hindi na bago yun. Kinailangan lang nila ako ng isang araw para tumulong mai-settle ang mga bagong pasyente at yung mga inilipat galing sa ibang ward at hospital. "Hayaan mo sya dun. He wants that." Umiling na lang ako at napangiti nang masayang lumabas si Krizia at malamang sa malamang, dadaan-daanan na naman nya ang naghihintay na si Gage sa hallway. It's been two weeks since Teyah's wedding at two weeks na ring walang palya si Gage sa ibinibigay niyang atensyon sa akin. Sa loob ng dalawang linggo, may limang beses na yata akong tinawag para

