Arcela's Pov "Dad, Mom, this is Gael Montesa. Schoolmate ko po sya sa Almodians before." Pakilala ko dito. "Nice to meet you po Mr and Mrs Laxamana." Magalang na saad ni Gael dito. Nagulat ako ng mag Mano ito dito. Napansin ko naman ang ngiti ni Mrs Chung sakin. Halatang kinikilig ito, ito ang unang beses na may ipinakilala akong lalaki sa kanila. Dapat ay para kay Richard ang moment na ito eh, kaso naunahan sya ni Gael. Sorry cookie monster ko, bagal mo kasi. "Busy ka ba today?" Tanong ni Dad dito. "Hindi naman po Sir." Agad na sagot ni Gael. "Tawagin mo nalang akong Tito Aris." Nakangiting saad ni dad dito. Maya-maya pa ay lumapit samin ang pamilya ni Richard, as usual kasama nila si Femia. "Mr and Mrs Laxamana, nandito din pala kayo." Saad ni Tito Richard sa parents ko. Te

