CHAPTER 37 CATALEYA'S POV Isang buwan na ang lumipas mula nang umalis kami ni Matteo patungong L.A. Akala ko’y makakapanatag na rin ako kahit papaano, pero nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na ang sarili ko’y parang iba. Madalas akong mapagod, nasusuka tuwing umaga, at ngayon nga habang nagluluto si Matteo sa kitchen ng mansion niya hindi ko na talaga kinaya. "Love, smells good ah," sabi ko habang pababa sa hagdan, pilit nilalabanan ang hilo. Ngunit paglanghap ko pa lang ng amoy ng pinipritong bawang, agad akong napatakbo papuntang banyo malapit sa kusina. "Cataleya?!" sigaw ni Matteo, kita ang pag-aalala sa boses niya. Pagsapit ko sa lababo, sunod-sunod na suka ang lumabas mula sa akin. Wala nang laman ang sikmura ko, laway at parang hangin na lang ang nailalabas ko habang na

