CHAPTER 48 CATALEYA POV Apat na buwan na ang lumipas mula nang isilang ko sina Alona at Alonzo. Parang kailan lang, nanginginig pa ang buo kong katawan sa ospital habang hinihintay silang mailuwal. Ngayon, gumagapang na sila, maliit pa lang pero matibay na ang mga braso't binti nila. At ang mga mata nila... Diyos ko, tila ba kinopya ng langit ang lahat ng pinakamasaya kong alaala at inilagay sa mga mata ng anak ko. Magkaibang-magkaiba sina Alona at Alonzo. Si Alona'y may lambing na tila ipinaglihi sa liwanag mahilig ngumiti, mata'y laging nakangiti rin. Samantalang si Alonzo'y tahimik pero mapagmasid, parang may kung anong lalim na kahit sanggol pa lang siya, ramdam ko nang may bigat siyang dala. Marahil... marahil dala niya ang dugo ng lalaking minsan kong minahal ngunit siyang dahilan

