CHAPTER 40 CATALEYA'S POV Ilang araw na rin ang lumipas mula noong bumili kami ni Matteo ng mga gamit para sa magiging anak namin. Ramdam ko pa rin ang kilig at tuwa tuwing makikita ko 'yung mga maliliit na damit na kulay pastel, na siya pa mismo ang pumili. Laging may ngiti sa labi niya habang iniisip kung paano niya bibihisan ang mga baby naming kambal. Pero ngayon, ibang klaseng sitwasyon ang meron kami. Alas tres ng madaling araw, nagising akong bigla sa matinding pagnanasa. Hindi ako gutom, kundi sabik sa isang bagay isang manggang kulay pula, matabang ang lasa. Hindi maasim. Hindi matamis. Gusto ko 'yung eksaktong lasa na 'yon. "Love..." bulong ko habang niyuyugyog si Matteo. Nakapikit pa siya at may konting hilik pa. "Mmm... five minutes, Love," ungol niya, nakatalikod pa. "Ma

