CHAPTER 10 NAYLL’S POV Pagkatapos ng kaguluhan sa hapag-kainan, habang nagpapahinga si Cataleya sa kanyang kwarto, tinawag ako ni Mommy papunta sa opisina ko. “Nayll, kailangan nating mag-usap. ” Pagpasok ko, andoon na si Daddy Naylson, nakaupo sa harap ng desk, ang mga mata'y seryoso. “Anak, maupo ka. ” “Ano na naman 'to? ” “Gusto naming malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa inyo ni Cataleya. ” “Wala naman. Maayos kami. ” “Hindi 'yan ang nakita namin kanina. ” “Tama na, Mommy. Ayoko na ng drama. ” “Nayll, hindi ito drama. Gusto lang naming malaman kung totoo bang sinasaktan mo si Cataleya. ” “Wala kayong karapatang pakialaman ang buhay ko. ” “Anak, kami ang magulang mo. May karapatan kaming malaman ang totoo. ” “Hindi mo ako tunay na anak, Naylson. Wala kang karapa

