CHAPTER 52 CATALEYA POV Napagplanuhan na talaga namin ni Matteo na uuwi na kami sa Pilipinas. Matagal na rin naming pinag-isipan ito, at ngayon, buo na ang pasya naming harapin ang lahat ang nakaraan, ang kinabukasan, at higit sa lahat, ang katotohanan. "Love, sure ka na ba talaga dito?" tanong ni Matteo habang inaayos ang maliit na maleta ng kambal. Nakaupo ako sa gilid ng kama, suot ang manipis na cardigan habang pinagmamasdan ang payapang pagtulog nina Alonzo at Alona. "Oo, Love. Ayoko nang matakot. Gusto kong makita muli ang lugar kung saan nagsimula lahat. Gusto kong harapin ang sarili kong anino." Lumapit si Matteo, at hinaplos ang buhok ko. "Kung anong desisyon mo, susuportahan kita. Basta kasama ako, walang makakapanakit sa'yo. At sa mga anak natin." Napaluha ako. Hindi ko ak

