CHAPTER 1
CATALEYA'S POV
"Cataleya, anak, come here. We have something important to tell you," bungad ni Daddy habang nakaupo sa leather couch sa malaking living room ng mansion namin. Katabi niya si Mommy, eleganteng naka-upo with her usual poise, hawak ang isang makapal na envelope.
"Yes, Daddy?" sagot ko agad habang lumapit ako, pilit tinatago ang excitement sa dibdib ko. I knew something big was coming. Something I’ve been hoping for.
"It’s about Nayll," sabay abot ni Mommy ng envelope sa akin. "He finally said yes."
Parang huminto ang mundo ko. "Wait, what? Are you serious? Like... as in totoong totoo?"
"Yes, anak," masayang tugon ni Daddy. "He agreed to the arranged marriage."
Napahiyaw ako sa tuwa. "Oh my goshhh! Mommy! Daddy! Is this real? Totoo ba ‘to?!"
Napayakap ako sa kanilang dalawa, hindi ko mapigilang mapatalon sa sobrang tuwa. Ilang taon ko nang gustong mangyari ‘to. Ever since I laid my eyes on Nayll Yuseffe Villafuerte, alam kong siya na. Kahit pa alam kong never niya akong nagustuhan. Kahit pa lagi lang siyang cold at formal sa akin.
"Everything you want, Cataleya, ibibigay namin," malambing na sabi ni Mommy habang hinahaplos ang likod ko.
Binuksan ko ang envelope. Nandoon ang mga documents ng arranged marriage. Makinis, puting papel na may golden seal. And there it was, ang pirma niya.
"Ang ganda ng perma niya, no?" bulong ko sa sarili ko, halos hindi makapaniwala. "Pang doctor talaga. Super neat."
Pero nang mabasa ko ang kondisyon ng kasunduan... doon ako natigilan.
"Business only... no intimacy... no expectations... no feelings involved," bulong ko habang binabasa ang bawat linya. "No love... and he has someone else."
Napatingin ako sa parents ko. "Mommy... Daddy... bakit ganito ‘yung conditions? Alam n'yong mahal ko si Nayll. Dati pa."
Nagkatinginan sila. Si Daddy ang unang nagsalita. "Anak, Nayll was clear from the start. He agreed for business purposes. You know how important this merger is to both families."
"So he still doesn’t love me..."
"Cataleya," malumanay na sabi ni Mommy, "sometimes love follows after marriage. Don’t lose hope."
Humigpit ang hawak ko sa papers. "I don’t care if he doesn’t love me now. Ang importante... akin na siya. Ako ang pinili niya. Ako ang papakasalan niya. And I’ll make him love me. Kahit pa may iba siyang mahal, ako ang magiging asawa niya."
"That’s our girl," sabi ni Daddy, proud sa determinasyon ko. "You're a Bianchi. We always win."
Biglang bumukas ang double doors. Tumigil ang lahat ng ingay sa utak ko nang makita ko siya. Nayll Yuseffe Villafuerte. Matangkad. Maayos ang postura. Suot ang charcoal gray na suit, with that signature cold expression sa mukha niya. Parang palaging wala siyang emosyon. Pero para sa akin, he was perfect.
"Nayll..." bulong ko, halos maubos ang hininga ko.
"Good evening, Mr. and Mrs. Bianchi. Cataleya," maikling bati niya. Walang emosyon, pero ang boses niya? Malalim, firm, at nakakakilabot sa puso ko.
"We were just talking about you," ani Daddy, pinaupo siya sa harap namin. "The final papers arrived today."
Umupo siya, deretsong tiningnan ako. "I hope everything is clear to you, Cataleya. I agreed to this marriage because of our families. Nothing more."
Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya, pero pinilit kong ngumiti. "Of course, Nayll. I understand."
"Good. I have no time for drama or complications. May boundaries tayo, and I expect those to be respected."
"And I expect you to keep your end of the deal, too," sagot ko, trying to sound confident kahit nanginginig ang boses ko deep inside. "Wife mo na ako, so whether you like it or not, we’ll be in each other’s lives."
Tumingin siya kay Daddy. "I assume the wedding date is final?"
"This weekend. Everything is already arranged."
Tumango lang si Nayll. "I’ll be there."
Tumayo na siya at tumingin muli sa akin. "I hope you know what you're getting yourself into. I don’t have time for love, Cataleya."
"And I don’t need your love... for now," sagot ko, tinatapangan ang sarili. "But someday, Nayll... you will love me."
He didn’t answer. Tumalikod na siya at lumabas ng bahay.
"Cataleya," ani Mommy, "do you think you can handle this?"
Tumingin ako sa kanya. "I was born for this, Mommy. I’m a Bianchi. And I always get what I want."
---
Two days later, habang suot ko ang wedding gown ko, nakatayo ako sa harap ng salamin. White lace, long train, at diamonds sa veil. Para akong reyna. Pero sa loob ko, may kurot pa rin. Kasi alam kong hindi love ang dahilan ng kasal na ‘to.
"Handa ka na, anak?" tanong ni Daddy habang pumasok sa bridal suite.
"Yes, Daddy. Kahit masakit, this is still my dream."
"Then make him yours."
Huminga ako nang malalim. I will.
Pagbukas ng pinto ng simbahan, andun si Nayll. Matikas, guwapo, pero parang hindi excited. Hindi gaya ko. Sa bawat hakbang ko papunta sa altar, nararamdaman kong lalong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Pagharap niya sa akin, malamig pa rin ang tingin niya.
"You look beautiful," mahinang sabi niya.
"Thank you," sagot ko, pilit ngumiti. "I’ll be the perfect wife, Nayll. You’ll see."
He didn’t respond.
And as we exchanged vows, I knew the battle had just begun.
"Mga minamahal kong kapatid kay Kristo, narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Amara Cataleya Bianchi at Nayll Yuseffe Villafuerte," bungad ng pari sa harap ng dambana.
Nakahawak ako sa braso ni Daddy habang nakatayo sa harap ng pintuan ng simbahan. Sa kabilang dulo, nandoon siya. Si Nayll. Matangkad, elegante sa itim na tuxedo, walang emosyon sa mukha. Pero kahit ganoon, para sa akin, he was everything I’ve ever dreamed of.
"Anak," bulong ni Daddy habang hawak ang kamay ko, "handa ka na ba?"
"Yes, Daddy," mahinang sagot ko. "Ito na 'yon. Ito na talaga."
Kasabay ng pagtugtog ng wedding march, nagsimula na akong maglakad. Dama ko ang bigat ng veil ko at bawat hakbang ko parang umuukit ng kapalaran ko. Nakatingin lang ako kay Nayll. Wala man siyang emosyon, pero para sa akin, sapat na ang presensya niya. Kahit alam kong pilit lang ito, kahit alam kong hindi niya ako mahal.
Pagdating ko sa harap, si Daddy ang nag-abot ng kamay ko kay Nayll. Walang imik si Nayll, pero tinanggap niya ang kamay ko at inalalayan ako patayo sa tabi niya. Ramdam ko ang lamig ng palad niya. Walang init, walang lambing. Pero hindi ko pinansin. This is still the best day of my life.
"Magsisimula na tayo," ani Father. "Nayll Yuseffe Villafuerte, tinatanggap mo ba si Amara Cataleya Bianchi bilang iyong legal na asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?"
Sandaling katahimikan.
Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang galaw ang mukha niya. Tapos... nagsalita siya.
"I do."
God. Halos mapaiyak ako. Pilit man, sinabi pa rin niya. Sa harap ng Diyos. Sa harap ng maraming tao.
"Amara Cataleya Bianchi," tanong ng pari, "tinatanggap mo ba si Nayll Yuseffe Villafuerte bilang iyong legal na asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?"
"I do," buong tapang kong sagot.
"Ngayon, magpalitan kayo ng vows."
Humugot ng malalim na hininga si Nayll. Kinuha ang maliit na papel mula sa bulsa ng tuxedo niya. Basa ko agad sa mukha niya na pilit lang talaga ang lahat. Pero handa akong pakinggan kahit scripted.
"Cataleya," panimula niya. "We are here today not because of love, but because of duty. Pero kahit ganoon, I promise to respect you. I will fulfill my role as your husband, in name and in presence. I won’t promise love, because I don’t have it to give."
Masakit. Pero expected ko na. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinipilit kong huwag maluha. At kahit ganoon, ramdam kong kinikilig pa rin ako. Kasi siya ang kasama ko ngayon. Siya ang nasa harap ko. Hindi na siya mailap na pangarap lang. Siya na ang asawa ko.
Ako naman.
"Nayll," panimula ko, nanginginig ang boses. "Ever since I met you, I knew you were the one I wanted. I don’t care if this marriage started as a business deal. I promise to stay by your side. I’ll be your wife—not just in name, but in every way that matters. Kahit na wala pa sa’yo ang love ngayon, I’ll wait. And I’ll make sure one day, mararamdaman mo rin 'yon."
Napatingin siya sa akin. Mabilis lang, pero sapat na para mapabilis ang t***k ng puso ko.
"Cataleya and Nayll," wika ng pari, "sa bisa ng kapangyarihan ipinagkaloob sa akin, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Tumigil ang oras ko. Literal. Pakiramdam ko tumigil ang mundo.
Nakatitig lang ako sa kanya. Tila nag-aalangan siya. Pero siguro dahil maraming tao, cameras, at dahil parte ito ng deal... dahan-dahan siyang yumuko.
At hinalikan ako.
Hindi ito passionate. Hindi ito sweet. Pero para sa akin... ito ang pinakaespesyal na halik sa buong buhay ko.
My first kiss. With the only man I’ve ever loved.
Pagkatapos ng halik, palakpakan. Ilang flash ng camera. Ngiti ako kahit gusto kong umiyak. Sa saya. Sa lungkot. Sa gulo ng nararamdaman ko.
"Congratulations," bati ni Mommy habang niyayakap ako. "You did it, anak."
"Thank you, Mommy," mahina kong sagot.
"Ikaw na ngayon si Mrs. Villafuerte," ani Daddy, proud na proud.
Nakangiti lang ako pero lumingon ako kay Nayll. Nasa isang tabi, kausap ang lawyer nila. Parang wala lang. Parang hindi lang siya kinasal.
Ilang sandali pa, nagsimula na ang picture-taking. Family photos. Kailangan ng documentation. Para sa press release. Para sa social media. Para sa mga business partners. Isang malaking palabas. Pero kahit fake ang lahat para sa kanya, totoo ang lahat para sa akin.
Paglabas namin ng simbahan, sinabayan kami ng tunog ng mga camera at palakpakan. Mainit ang araw pero hindi ko iniinda. Masaya pa rin ako. Kasi kasal na ako kay Nayll.
Nasa hagdan na kami. Hawak ko ang bouquet.
"Are you ready?" tanong ko sa sarili ko.
At saka ko hinagis ang bouquet.
Isang matinis na sigaw ang sumunod.
"Akin 'yan!"
Nagkatinginan kami ni Nayll. Napakunot ang noo niya. Pero ako? Napangiti lang. Kasi kahit gaano ka-predictable ang araw na ito... may nangyaring unexpected.
Napatingin ako sa nakasalo ng bouquet. Babaeng naka-pink dress. May hawak na phone. Kumukuha ng selfie habang hawak ang flowers.
Pero bago pa ako makatawa, biglang nagsalita si Nayll sa malalim, seryosong tono.
"We need to talk."
Natahimik ako. "Ngayon?"
"Yes. Now. Inside the car."
Napatingin ako kina Mommy at Daddy pero tumango lang sila.
Sumakay kami sa limousine. Tahimik. Sobrang tahimik.
"What’s wrong, Nayll?" tanong ko, pilit na kalmado ang boses.
Tumingin siya sa akin. Deretso. Seryoso.
"She’s here."
"Who?"
"Yung mahal ko. She’s in the country. She came back."
Pakiramdam ko sinakal ako ng sariling wedding dress ko.
"W-what do you mean?"
"I didn’t expect her to show up. Pero she’s here, Cataleya. And now everything’s complicated."
Huminga ako nang malalim. "You’re married to me now, Nayll. Hindi na 'to puwedeng baguhin."
"I know. That’s why I’m telling you. Kasi kailangan nating maging mas careful."
"So you’re still planning to see her?" boses ko’y halos pabulong.
Hindi siya sumagot.
Tumulo ang luha ko pero pinunasan ko agad. Ayoko siyang makita na mahina ako.
"I’m your wife now, Nayll," ulit ko. "And I won’t back down. Kahit pa bumalik siya. Kahit pa mahal mo siya. Ako ang pinakasalan mo."
Tumitig siya sa akin. Malalim. Mabigat.
"You really don’t know what you’ve gotten yourself into."
"No, Nayll. I know exactly what I’m doing. And I’m not giving up on you. Ever."
Tahimik siya. Wala na siyang sinagot.
Pero sa loob ko, isang sigaw ang namumuo.