TINURUAN lamang sila at mas hinasa sa basic drills. Nais kasi ng mga officers na mas maging snappy sila tignan kapag nagdidrillings kaysa sa mga basic cadets.
Tinuruan nila ang mga 4CL kung paano humarap sa kanan, humarap sa kaliwa, humarap sa likod, magmartsa, maglikuan at sumaludo ng snappy at sabay-sabay.
May ilang napapagalitan dahil hindi agad makapick-up at mayroon rin namang napupuri dahil sa nakukuha agad nito ang mga tinuturo.
Hindi sapat ang hapon na iyon. Alas-sais pasado na ng gabi kung kaya't kailangan na nilang umuwi. Ipapagpatuloy na lang nila kinabukasan ang pagtuturo upang pagdating sa open collar bago matapos ang sem ay mga snappy na ang mga 4CL nila.
(Under the military tradition, the “open collar,” or reception rites, is one of the significant traditions and rituals of the Philippine Army as sign of recognition of the candidate soldiers' sacrifices, determination and transformation from being a civilian into a soldier.)
Pagbaba nila sa groundfloor ay nakita agad ni Love na muling nakaabang si Gelo sa kanya.
Napairap na lang siya ng palihim at grabe nanaman ang pagrigodon ng puso niya hindi dahil umiibig rin siya sa binata kundi dahil sa kaba na nararamdaman niya na baka makarating ang lahat ng ito sa kanyang uncle at auntie.
Tumabi na agad ito sa kanya sa paglalakad at naririnig niya ang pagkantiyaw ng ilang kabuddy niya at nang ilang officers.
Napakamot na lang si Love sa ulo niya.
"Diba, sabi ko saiyo umuwi ka na?" Bulong ni Love rito at sinigurado niyang sila lamang ang magkakarinigan.
"Diba, sabi ko rin saiyo maghihintay ako." Tugon naman ni Gelo.
Kung gusto rin sana ni Love ang binata ay baka kanina pa ito kinilig sa efforts nito. Ngunit ang lahat ng iyon ay balewala kay Love dahil wala naman itong nararamdaman sa kaklase. Tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay para rito.
"Gelo, alam mo kasi. Iti---" ani Love ngunit hindi natuloy ang nais sana niyang sabihin dahil sa open field na katabi ng covered court ay may umilaw na "I LOVE YOU, LOVE."
Napa-aww naman ang karamihan at nabusog nanaman siya sa kantiyawan ng mga kasamahan.
"I won't, Love. I won't. I love you." Nakangiting sabi ni Gelo.
Nakaramdam naman ng pagkailang si Love dahil sinabi nito mismo sa harap niya ang mga katagang iyon.
Nagtataka tuloy siya kung paanong mahal na siya agad nito gayong ilang buwan pa nga lamang sila magkakilala.
Nang makarating sa gate ay agad na tumakbo si Love papunta sa mga tricycle at pinamadali niya ang driver na umalis na agad.
KAHIT nakalayo na siya ay malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Pinanlalamigan at pinanginginigan siya ng katawan dahil sa kaba at hiya na dulot ng ginawa ng binata. Hindi siya komportable sa ginawa nito at parang ayaw na niya itong makita kahit kailan. Ngunit ano ba ang magagawa niya? Makikita at makikita niya si Gelo dahil magkaklase sila.
Maya-maya ay tumunog ang keypad phone ni Love. Nagtext pala si Gelo sa kanya. Kahit naiinis ay binuksan niya iyon at binasa.
"Ang bilis mo naman. Hindi na kita naabutan. Ingat sa pag-uwi. I love you."
Pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ay blinock na niya agad ang number ng binata at inis na dinelete ang text nito.
Para siyang natrau-trauma sa ginagawa ni Gelo. May nanligaw na rin naman sa kanya noon ngunit kapag sinabi niyang hindi pwede ay hindi na sa kanya mangungulit ang tao. Iba si Gelo. Hindi pa nga siya nakakasagot ay inaassume na agad nito na pumayag siya. Kahit sabihin niyang huwag na siyang hintayin ay naghihintay pa rin ito. Kung kailan nagkaroon na siya ng lakas ng loob na sabihing tigilan na ang panliligaw ay bigla namang nahadlangan dahil sa pasurpresa niya.
KINABUKASAN, walang gana pumasok si Love. Hindi naman siya ganito noon.
Pagkahatid sa kanila ay agad na tumakbo si Love at nagdahilan na malelate na siya. Ngunit ang totoo niyan, nais niyang bilisan dahil baka may kung ano nanamang pasurpresa si Gelo. Delikado siya sa parteng iyon dahil kung sakali ay maraming makakakita at makakarating pa iyon kay Cherry.
Matagumpay naman siyang nakarating sa kanilang classroom. Walang surpresa sa labas, walang ibang pakulo at walang Gelo. Nakahinga siya ng maluwag. Pagbukas niya ng pinto ay naagaw agad ng mga preskong pulang rosas ang kanyang paningin. Nakalagay ito sa kanyang pwesto.
Napabuntong hininga na lang si Love. Para sa kanya ay mas maigi nang dito na lang sa loob ng classroom kaysa naman sa labas pa.
Mabilis na natapos ang klase sa umaga. Pumunta muna sila sa banyo. Nagtuck-in muna sila ng blouse, nagpusod ng maayos at nagtanggal ng lipstick. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa DMST Office upang doon maglunch at magpaubos ng bakanteng oras.
Dala-dala ni Jai ang mga pulang rosas. Feel na feel niya ang pagdadala nito kahit hindi ito sa kanya at kada makakita o makasalubong nila ay sinusundan siya ng tingin marahil dala ng pagkamangha.
"Huwag kayo sa akin mainggit. Kay Love talaga ang mga bulaklak na ito." Ngingisi-ngising bulong ni Jai.
"Tumahimik ka nga diyan." Pasimpleng tugon ni Love sa kaibigan. Snappy pa rin silang maglakad at sabay-sabay ang mga hakbang.
Nang mapadaan sa watawat ng Pilipinas ay sabay-sabay rin silang sumaludo.
Nakarating naman sila ng matiwasay sa DMST Office.
Nasa loob si Lovendaño nang sila ay humingi ng permiso na pasukin ang office. Naglog-in muna sila sa kanilang logbook.
"Kakain lang po kami sa kabilang room." Paalam ni Jai. "Kumain ka na, Sir?"
Napatingin naman si Lovendaño kay Jai. Kahit papaano, si Jai ang madalas nitong makausap dahil siya ang may pinakamakapal na mukha este pinaka malakas ang loob sa kanila na kausapin ang BatCom.
"Hindi pa nga eh.", sagot nito.
"Tara, Sir. Kain po tayo." Pagyaya ni Jai.
"Sige, sige. Susunod ako." Tugon nito.
Umalis na sila sa office at tinungo ang katabing room. Naroon na rin ang iba nilang kabuddy at kanya-kanya silang salampak sa sahig.
"Hello buddies! Kain tayo." Bati sa kanila ng mga kabuddy nila.
Umupo na silang tatlo sa sahig at kanya-kanyang labas ng lunchbox.
Nagtaka sila ng maglabas ng dalawang lunchbox si Love.
"Ang dami mo namang lunchbox. Marami ka sigurong pagkain, pahingi!" Sabi ni Monic.
"Tungaw ka! Kay Sir Labs iyan." Sagot ni Love.
Hindi na siya tinanong ng mga kaibigan bagkus ay nagteary eyed ang mga ito at tila gets na gets nila ang ginawa ni Love.
"Bukas, ako naman ang toka. Tapos, ikaw naman Jai sa susunod na araw." Suhestiyon ni Monic na sinang-ayunan nilang tatlo.
"Hi, Sir! Kain po." Sabi naman ng mga kabuddy nila na naunang makakita kay Lovendaño pagpasok nito sa room.
"Sir, dito po." Nagtaas pa ng kamay si Jai. Pinaunlakan naman ito ng BatCom at naupo nga katabi nila ito.
"Sa iyo iyan, Sir." Ani Jai at sabay abot ng lunchbox na dala ni Love.
"Uy.. talaga? Aba! Ang babait naman ng junior ko." Masayang sabi ni Lovendaño.
"Hinanda iyan ni Paulo para sayo, Sir. Love na love ka kaya namin." Dugtong pa ni Jai.
Pinanlakihan tuloy siya ng mata ni Love. Nakaramdam siya ng kaunting hiya sa hindi malaman na dahilan.
"Salamat." Sabi ni Lovendaño.
Nahihiya namang tumango si Love.
Binuksan na ni Lovendaño ang lunchbox habang nakatingin silang tatlo at nag-aabang sa magiging reaksyon nito.
Kanin at adobong baboy ang nakalagay roon.
"Wow! Ang sarap naman nito." Nakangiting sabi ni Lovendaño. "Sino nagluto nito?"
Halos mabulunan naman si Love sa hindi nito inaasahang tanong. Uminom muna siya ng tubig bago sumagot.
"A-ako po." Ani Love. Nag-iinit ang kanyang mukha sa labis na hiya.
"Matikman nga." Ani Lovendaño. Kumuha ito ng kanin at karne at hindi na nagdalawang isip na isubo agad iyon.
"Hmm.." nasasarapang ani ng kanilang BatCom. Kumuha uli ito ng pagkain at magiliw na sumubo. Nginuya niya itong mabuti at lumunok. "Ang sarap. Pwede nang mag-asawa."
"Hmp!" Ani Love at tuluyan naman itong nabulunan. Pinainom agad nila ito ng tubig at sabay-sabay na natawa.
"Ito kasi si Sir eh, asawa agad?" Sabi naman ni Jai. Sabay tawa uli sila. Nakikitawa na rin ang iba nilang kabuddy.
"Iyan Sir ha. Porke masarap magluto, pwede na agad mag-asawa? Eh paano kung masarap lang?" Nakakagreen na sabi naman ni Cabading. Nandito kasi ang mga taga-OLPU.
"Iba yun." Natatawang ani ni Lovendaño.
"Soooows, meron nga diyan, hindi pa marunong magluto pero marunong na gumawa ng baby. Ayun talaga, makakapag-asawa yun ng wala sa oras." Singit naman ni Biag at naghagalpakan sila ng tawa.
Naging magaan ang oras ng kanilang pananghalian. First time lang nila Jai, Monic at Love na makasabay at makabonding ang kanilang BatCom sa pananghalian. Hindi sila nagtataka kung bakit kahit nahihirapan sa buhay ang kanilang BatCom ay marami ritong handang tumulong. Masayahin, mabait, at mapagpakumbaba kasi ito. Hindi ito tulad ng ibang officer na porke officer ay lumalaki na agad ang ulo.
"Sir, bukas po ulit ha. Sabay po kayo sa amin." Sabi agad ni Monic ng matapos silang kumain.
"Sure! Hindi ko iyan tatanggihan." Pabirong sagot naman ni Lovendaño at tumawa pa ito na halos hindi na makita ang mga mata.
Halos matunaw naman ang puso ni Love sa nasilayan niyang kasiyahan sa mukha ni Lovendaño. Maaaring maliit na bagay lamang ang simpleng pagtulong nila ngunit siguradong malaking bagay naman ito sa kanilang tinutulungan.
KINABUKASAN, tulad ng ibang araw, mayroon nanamang bulaklak si Love na natanggap mula kay Gelo. Napapakamot ulo na lang si Love dahil hindi madaan sa maayos na usapan ang binata. Pinagpipilitan pa rin ng binata ang sarili nito sa dalaga.
Nang sumapit ang lunch time ay mabilis na kumilos ang tatlo dahil ayaw nilang paghintayin ng matagal ang kanilang BatCom lalo na at sinabihan nila ito kahapon.
Matapos nilang sumaludo sa watawat ay ang saktong pagsigaw ni Gelo sa pangalan ni Love.
Marami ang napatingin na kapwa nila estudyante na nakatambay sa lilim ng puno na nasa gilid ng hallway at tila hinihintay nila kung sino ang tinutukoy ng binata.
Napatigil naman silang tatlo at hinintay ang paglapit ni Gelo.
Matalim ang mga tingin ni Love kay Gelo. Naiinis siya sa binata dahil sa pagsigaw nito sa pangalan niya. Baka kasi isipin pa ng mga nakarinig na tinawag nito ang girlfriend nito kahit na ang totoo ay pangalan naman niya iyon.
Medyo hinihingal pa si Gelo ng makalapit ito sa kanila.
"Yes, Gelo. Anong maipaglilingkod namin sa'yo?" Pabirong sambit naman ni Monic.
Napakamot naman muna si Gelo sa kanyang batok bago sumagot. "Gusto ko sana yayain si Love na maglunch eh."
"Ah ganun ba? Kaso hindi kami allowed na maglunch sa ibang lugar eh. Kapag kasi nahuli kami na hindi naglunch sa DMST, paparusahan kami." Paliwanag ni Jai para kay Love.
"Ah okay. Edi kung ganoon, ako na lang ang sasama sa inyo sa DMST office." Nakangiting sagot naman ni Gelo.
Napangiwi naman si Love sa naging sagot nito. Kung tutuusin ay pwede naman ang naging suhestiyon ni Gelo ngunit ayaw niya ang ideyang iyon dahil magiging tampulan nanaman siya ng tukso.
"Hindi pwede." Malamig na sagot ni Love. "Tara na."
Nauna na maglakad si Love at iniwan ang dalawang kabuddy. Agad rin namang sumunod ang dalawa sa kanya at sumabay sa kanyang paglalakad.
Nang malapit na sila sa building ay napansin ni Jai na nakasunod pa rin sa kanila si Gelo.
"Love, nakasunod pa rin si Gelo sa atin." Mahinang bulong ni Jai kay Love.
Pasimple namang lumingon si Love sa likod nila at nakita si Gelo. Nagkatinginan sila at nginitian lang siya ng binata na ikinairap naman niya.
"Hay naku naman!" Inis na singhal ni Love. "Mauna na kayo, mga buddy. Kakausapin ko lang si Gelo." Mahina na sambit niya.
"Okay." Sabay na tugon ng dalawa.