The Ace and the Four kings Chapter 8 : [ Disaster ] Xyrine jean's POV "Arg! Nasan na ba ang Tennessee na 'to!?" Bulalas ko. Saturday night Heaven's club 8pm. Tama naman ang lugar at ang oras kung ganun na s'ya? Nagpalinga linga ako upang hanapin s'ya ng mabanga ako sa kung sino. "Tumingin ka nga sa daraanan mo!" Tinaasan ako ng kilay nito pagkaway tinignan ako mula ulo gang paa. "Tss. What a cheap." Pahabol pa nito saka ako tuluyang nilagpasan. What? Did she called me cheap?! Kasalanan ko bang mas disente ang suot ko sa suot n'ya?! Tss. ARG! Kung bakit ba naman kasi pumayag ako na maging 'TOY' ng mga baliw na 'yon! Imagine, Hindi isa, dalawa kung hindi apat na may sayad ang pagsisilbihan ko! Kahit saan, oras o lugar basta gugustuhin nila ay kailangan ko silang puntahan!

