Sᴇᴀsᴏɴ 2 Xyrine Jean's POV ᴀғᴛᴇʀ 3 ᴍᴏɴᴛʜs "Insan, s'ya na naman ba iniisip mo?" Mula sa pagkakatigig ko sa singsing na binigay sa'kin ni Spade ay napatingin ako kay Ella. "Mag papaka-ipokrita lang ako kapag sinabi kong hindi," tugon ko saka ako ngumiti ng mapakla. Tumitig ako ulit sa singsing. Almost three months na rin pala simula nung umalis s'ya. Almost three months ng walang communication at almost three months nang paghihintay. Spade, sabi ko sa'yo ay handa kitang hintayin ng one month pero 'yung three months? sana sinabi mo na lang na three months. Kaya ko namang mag-hintay eh, 'di ba sabi ko nga sa'yo kahit isang taon pa? pasensya na, para na kasi akong umaasa at nahihintay sa wala eh. "Insan, kaya mo bang pumasok?" Natawa ako ng bahagya

