The Ace and the Four kings Chapter 47: Save Spade's POV Before The Proposal "Sir spade, si Ma'am Xyrine po," umiiyak na wika ng isa sa mga maid ng Montreal. Mabilis kong binaba ang tawag at umalis ng mansyon ng mga Sy at bumalik ng mansyon ng mga Montreal. Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa mansyon ay dumiretso na ako agad sa kwarto namin ni Xyrine kung saan naaabutan ko sa labas ang ilang mga maids na nagkakagulo. "Anong problema?" tanong ko sa Head Maid ng makalapit ako. "Sir, si Ma'am Xyrine po," nakayoko nitong sambit habang umiiyak. "Tell me, what's the problem?!" sigaw ko. "Kaninang umaga pa po kasi s'ya hindi lumalabas simula ng umalis kayo. Pero kanina, nakarinig na po kami ng kung anong nabasag sa loob ng kwarto nin'yo tapos nagsisigaw na rin po s'ya ng 'hin

