XX. Dearest Friend

3205 Words
Maagang sumikat ang araw nang sumunod na araw at dumaplis iyon sa mga kurtina ng bintana. Tulog pa rin ang dalawa habang magkayakap, pagod mula sa mga naganap kagabi. Ilang sandali pa ay nagising si Derrick sa oras na nakagawian ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nilibot ng tingin ang kaniyang kuwarto hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa katabi niya. Napangiti siya nang makita ang maamong mukha ni Johnny na kung wala lang bigote at aakalain mong dalaga. Humiga siya muli at humarap sa kaniya, ang kaniyang mga mata'y nakatitig sa mga nakasarang mga mata ni Johnny. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na hawakan ang mukha niya sa takot na magambala ang mahimbing niyang tulog. Sandali niyang tinitigan ang mukha ni Johnny habang sinasariwa ang mga kaganapan kagabi, halos hindi makapaniwalang nangyari nga ang mga iyon kagabi lang. Dahan-dahang niyang hinawi ang buhok ni Johnny habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Sariwa pa rin sa isip niya ang mga kaganapan kagabi, kung paano naging isa ang kanilang mga katawan at puso. Kung tutuusin ay mali ang namagitan sa kanila, ngunit kung sa ikakasaya ni Johnny ay gagawin ni Derrick ang lahat. Sandali pa niyang tinitigan ang mukha ng kaniyang pinakamamahal hanggang sa magising na ito. Kumunot ang noo ni Johnny bago pa man niya mamulat ang mga mata nito. Una niyang nakita ang kulay asul na mga mata ni Derrick na nakatitig sa kaniya na agad namang nagpangiti sa kaniya. "Good morning," bati ni Derrick, ang kaniyang malumanay at malalim na boses ay tila niyayakap si Johnny. Humarap si Johnny kahit masakit pa ang katawan niya. Ngumiti siya nang ubod tamis at binati si Derrick, "Morning, Daddy." Bumangon na si Derrick at nag-unat ng katawan. Agad na nalantad ang mga mauumbok niyang kalamnan na nagpangiti sa nakahiga pang binata. Matapos mag-unat ay liningon niya si Johnny na nakahiga pa rin, balot ng kumot at nakangiting nakatingin sa kaniya. "Ayos ka lang?" usisa ni Derrick. Nanatiling tahimik si Johnny dahil masakit pa rin ang katawan niya mula sa mga nangyari kagabi. Pinikit na lang niya ang kaniyang mga mata at nahiga muli sa kama at bumalik sa pagpahinga. "Sige, matulog ka na lang diyan. Ako na lang bahala mag-excuse sa mga professor mo." Lumapit si Derrick sa kama muli at hinalikan ang noo ni Johnny. "Lulutuan na lang kita ng agahan mo sa baba." Bumaba na si Derrick at hinayaan niyang matulog muli si Johnny sa kama niya. Tinuloy lang ni Derrick ang paghahanda niya para sa trabaho at nang maimpake na niya ang mga libro't mga papel sa kaniyang bag at naligo na rin. Nanatili pa ring gising si Johnny at pinanood ang matipunong propesor habang nagbibihis ito. Napangisi naman si Derrick nang maramdaman niya ang titig na nakapukaw sa kaniya. Pinagpatuloy niya lang ang pagbibihis at paghahanda para sa trabaho hanggang sa makabihis na ito ng kaniyang polo. Kinuha niya ang ang kaniyang bag at sinukbit ito sa kaniyang katawan saka humalik muli sa noo ni Johnny. "Bye, baby." "Bye, Daddy," bulog niya pabalik. Sinuot na ni Derrick ang kaniyang coat at lumabas na ng kuwarto at nagtungo sa kaniyang kotse, iniwang natutulog si Johnny sa kwarto niya. Pagdating sa unibersidad ay kaswal na lumakad si Derrick sa mga pasilyo suot ang kaniyang ngiti. Pinagpaalam niya sa mga guro ni Johnny na hindi muna siya makakapasok at ang pinalusot niya ay may trangkaso raw ang binata. ~•~ Sa sumunod na mga araw ay naging puspusan na ang training ni Johnny at ang pag-aaral niya. Bukod kasi sa may paparating na inter-collegiate tournament ay sunod-sunod na rin ang mga pagsusulit nila. Ang presensya naman nina Theodore, Denise, at nang iba pa nilang mga kaibigan ay naging kalakasan niya't sandalan sa unibersidad. Isang araw ay naroon na naman sina Theodore sa field at nagt-training. Tagaktak ang kanilang mga pawis habang ginagawa ang mga routine at play nila. Matapos ang ilang laps ng pagjjogging ay binagsak ni Johnny ang kaniyang pagod na katawan sa upuan. Kinuha niya ang kaniyang tumbler at lumagok ng malamig na tubig upang mapawi ang matinding uhaw, nagpunas din siya ng pawis na tumatagaktak mula sa kaniyang noo. Si Theodore naman ay sumunod sa kaibigan at nagpahinga rin. Umupo siya sa tabi ni Johnny at hinubad ang kaniyang kamiseta na nagpagulat kay Johnny na ikinangisi naman niya. Habang nagbibiruan ang dalawa ay hindi naiwasang makinig ng iba. Pinagmasdan din nila sng interaksiyon ng dalawa sa isa't isa, ang lalo pang pinagtaka nila ay ang madalaw na paghampas ni Johnny sa braso ni Theodore habang binibiro ng maskuladong binata ang kaibigan. "Capt., iyon ba yung sinasabi mong bagong kasama natin?" turo ng isang kalaro nila kay Johnny na nakaupo't pinagmamasdan sina Theodore sa field. "Yes. Any problems?" mahinahong sabi ni Jericho. "Sigurado ka bang kaya niyang makisabay sa mga drills natin?" "Mukha namang kaya niya, ah? Ang galing kaya nilang dalawa ni Rivero sa dribbling kanina." Patuloy pa rin ang mga bulungan ng mga manlalaro kahit na malapit lang si Jericho. Kung anu-ano ang mga lumalabas sa bibig nila—kesyo raw bakla, baka raw sila na ni Theodore, o nakikisama lang daw si Jericho sa kaniya para hindi ma-offend—marami pang narinig si Jericho na nagpapantig sa mga tenga niya hanggang sa hindi na niya ito matiis at nagsalita na rin siya, malumanay ngunit may diin. "Kung wala kayong magandang sasabihin better yet shut your freaking mouths up!" his voice was loud enough to be heard by every person in the field. Sa sinabi ni Jericho ay biglang nanahimik ang buong team. Napayuko na lang si Johnny dahil dinig niya ang lahat ng sinabi ni Jericho, pati na rin ang mga bulung-bulungan ng iba na patuloy pa rin kaya nainis na ng tuluyan si Jericho. "I don't want you guys saying things about Johnny, or anyone else, okay?" matapang na sabi ni Jericho sa buong team. "Lalo na kapag wala na ako dito. As you know malapit na graduation naming mga seniors. Kapag umalis na ako rito ay hindi ko na kayo mababantayan, kaya ayus-ayusin niyo mga ugali niyo." "Yes, Capt," sagot ng karamihan sa kanila. "Oh, siya. Let's get back to the practice." Matapos magpahinga ay bumalik na rin si Johnny sa pag-eensayo. Nakisali siya sa mga nagmo-mock match na sina Theodore at mga tropa nito na ikinatuwa naman ng apat. "Sa amin si Johnny!" ani Jake at hinila ang binata sa grupo nila. "Sige," ngisi ni Theodore habang nagbabanat ng mga braso, "matalo manlilibre mamaya!" Pinagmasdan ni Jericho si Johnny habang naglalaro ito. Hindi niya maintindihan kung bakit ba kailangang husgahan ng nga tao ang isa na gusto lamang magpakatotoo sa sarili. Naalala pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Kenneth, at sa totoo lang ay masakit pa rin ang nangyari para sa kaniya. Nawalan siya ng isang mabuting kaibigan dahil sa mga mapanghusgang mga tao. ***** Flashback Two years ago... "Nice job, Hernandez!" bati ni Jericho kay Kenneth. "Thanks, Capt." tugon ni Kenneth habang nagpa-practice ng dribbling. Nasa field sila ngayon ng University of Makati, nag-eensayo para sa paparating na palaro. Tinuturuan nu Jericho ng mga bagong techniques si Kenneth para raw mas lalong gumaling si Kenneth. "Pasa!" utos ni Jericho sa kaniya. Pagkasalo ng bola ay drinibble niya ito hanggang sa nakahanap na siya ng tiyempo para masipa ang bola sa goal. "Nice pass!" puri ni Jericho kay Kenneth. Tinapik niya pa ito sa likod at saka bumalik sa pag-eensayo. "Galing mo kanina, ah!" puri ni Jericho kay Kenneth. "Ikaw nga iyung magaling sa atin, eh." Tumawa si Jericho, ang kaniyang malalim na boses ay bagay sa kanila matipunong katawan. Nagpatuloy pa sila sa pag-eensayo hanggang sa dumilim na ang kalangitan. Magdadapit-hapon na kaya naghanda na ang dalawa para umuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Kailangan na rin kasing umuwi ni Jericho dahil bukod sa may gagawin pa siya ay walang tao sa bahay nila. Pagkatapos magpahinga ay nagtungo sila sa shower room para maglinis ng katawan nilang naglalagkit sa pawis. "Gumagaling ka na, ha," puri muli ni Jericho habang nagsasabon ng katawan, "konting practice pa and you'll be unstoppable in the field. Galing mo pa naman magdribble." "Salamat, Captain. Ako nga itong nahihiya sa inyo kasi lagi mo akong pinaglalaanan ng oras para turuan." "Don't sweat it. Masaya akong makatulong sa mga gustong abutin ang mga pangarap nila. And we're friends, right?" Tumango lang si Kenneth ng tahimik. Malamig ang buga ng tubig na tumatama sa maskuladong katawan ni Jericho. Habang naliligo ay patuloy pa rin ang pag-uusap nila tungkol sa maraming bagay. Hanggang sa matanong ni Jericho kay Kenneth ang mga ispekulasyon tungkol daw sa kaniya. "Kens, may I ask you something? I don't want you to feel uncomfortable," panimula ni Jericho, bagamat malumanay ang kaniyang boses ay kinabahan si Kenneth. "Hmm..." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Jericho bago sabihin ang isang tanong na hindi niya sigurado kung kaya niya nga bang itanong sa pinakamamahal niyang kaibigan. "Kens, mahal mo ba ako?" he asked, his eyes dark as he stares straight to Kenneth's as if he could stare directly at his soul. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng shower room, sa sobrang tahimik ay dinig na dinig ng dalawa ang tunog ng nalaglag na shower cap ni Kenneth, pero walang nag-atubiling pumulot niyon. "Ah..anong bang sinasabi mo? Siyempre mahal kita, kayong lahat sa team," depensa ni Kenneth sa sarili, may konting nginig ang boses. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin," lumabas si Jericho na nakatapis lang ng tuwalya ar pumasok sa shower cap ni Kenneth. Nanlaki ang mga mata ni Kenneth nang makita ang bato-batong katawan ni Jericho. "A-ano ba, Jericho? Bakit ka lumalapit sa akin ng walang saplot?" takhang tanong ni Kenneth. Hindi man niya maitago ang kaniyang reaksiyon sa kahubdan ni Jericho ay pinanatili niya ang kaniyang compostura. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Jericho bago titigan muli si Kenneth sa mga mata nito ng taimtim. Kita niya roon ang pagtatanging matagal nang kinikimkim ng kaibigan para sa kaniya, at ngayon ay alam na niya ang sagot, ngunit gusto pa rin itong kumpirmahin mula sa kaibigan mismo. "I'm asking you this last time, Hernandez," he repeated, his tone softer. He press his body into Kenneth, the latter's cheeks flushing in a shade of pink. "I see something else everytime your eyes meet mine. Pati rin iyung mga pasimpleng paghawak mo sa kamay ko, o sa mga komento mo sa akin. Sa una lang, pinabayaan ko lang iyon kasi, magkaibigan tayo, I thought that's just you being usually sweet and kind, but lately, I saw something more in you eyes." Linapitan ni Jericho ng mas malapit si Kenneth, halos maglapat na ang kanilang mga katawan. Naiilang na rin si Kenneth sa mga titig ni Jericho, na tila binabasa nito ang laman ng kaniyang isipan. "Kenneth, do you love me?" Jericho breathed out gently, his gaze sincere as he looks at his beloved friend. "I'm sorry," hindi na mapigilang ni Kenneth ang bugso ng kaniyang damdamin. Taimtim pa rin siyang nakatitig sa guwapong mukha ni Jericho, sa kaniyang mga mata na tila binabasa ang kaniyang kaluluwa. "I love you, Jericho, kahit alam ko na may girlfriend ka na. Hindi ko naman ito sinasadya, eh. Isa lang naman akong baklang nahulog sa isang katulad mo." Tila tumigil ang mundo sa mga narinig ni Jericho mula sa kaibigan nito. Oo, may lihim na pagtingin si Kenneth sa kaibigan nito, kahit na mali dahil may girlfriend na mga si Jericho. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Basta naramdaman ko na lang na mahal na kita, higit pa bilang kaibigan. I'm sorry, Jericho." Lumambot ang puso ni Jericho pagkakita sa mga luha ni Kenneth. Oo, siguro, baka may espesyal na lugar si Kenneth sa kanyang puso. Siya ang unang baklang naka-close niya, ang unang baklang naging komportable siya kasama. Lumapit pa si Jericho at dahan-dahang dinampian ang mga luha ni Kenneth. "Kenneth, you don't have to apologize for what you feel. I appreciate you're admiration towards me, I really do. But—" "You don't have to explain, Jericho. Naiintindihan ko," ngiting pilit ni Kenneth, halos malapit nang maluha. "Wala kang dapat ipag-alala." Isa pang malalim ma hininga at ngumiting muli si Kenneth na tila hindi nasasaktan. "After ng susunod nating match, aalis na ako sa team, magfo-focus muna ako sa studies ko." Dahan-dahang hinawakan ni Jericho ang mga kamay ni Kenneth, malambot ito kumpara sa kaniyang magaspang na mga palad, dala na rin ng pagiging aktibo niya sa sports at pag-g-gym. Taimtim niyang tinitigan si Kenneth, tila naghahanap ng kasiguraduhan sa mga mata nito na baka, may paraan pa para mag-stay si Kenneth sa team "Do you really have to leave?" mga tanong ni Jericho na tila may ibig ipahiwatig. Puno ng lungkot ang mga mata ni Kenneth habang tinititigan ang kay Jericho, "Yes, Jericho. I'm sorry but I've made my decision. Marami na kasing...nagbago." Isang marahang tango lang ang itinugon ni Jericho. "I understand." Hindi naman niya mapipilit ang kaibigan kung ito na ang desisyon nito. Ngunit hindi pa rin niyan maiwasang masaktan sa katotohanan ng mundong ito, that the world is cruel to those who chose to love differently. Katahimikan...titigan... pakiramdaman... hanggang sa magkaroon ng pagkakaunawaan. Dama ni Jericho ang bilis ng t***k ng kaniyang puso, tila may pilit sinisigaw na taliwas sa gusto ng isip niya. "Well, hindi na kita mapipigilan kung iyan ang desisyon mo," sabi ni Jericho, taimtim pa ring nakatitig kay Kenneth. "Sumama ka sa akin." Matapos magbihis ay hinila ni Jericho si Kenneth papunta sa kaniyang kotse. Oo, may kotse nang sarili si Jericho kahit 18 pa lang siya, mayaman kasi ang mga magulang nito kaya nasusunod ang mga kagustuhan nito. "Sakay," walang anu-ano'y utos nito na agad namang sinunod ni Kenneth. Buong biyahe tahimik lang ang dalawa sa loob ng kotse, walang gustong umimik o basagin ang nakakarinding katahimikan. Nakasentro lang ang atensyon ni Jericho sa daan, na para bang doon niya mahahanap ang mga sagot sa sarili rin niyang mga katanungan. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Kenneth habang nasa biyahe, ngunit nanatiling tahimik lang si Jericho. Makaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa bahay ni Jericho, doon ay pinark niya ang sasakyan sa tapat sabay pasok sa bahay, walang pakialam kahit may makakita sa kanilang dalawang magkahawak ang mga kamay. Dire-diretso silang dalawa papunta sa kuwarto, hindi alintana ni Jericho ang mga katulong nila na panay tanong kung bakit maaga siyang umuwi. Pagkapasok nila ng kuwarto ay agad na ni-lock ni Jericho ang pinto sabay sunggab kay Kenneth ng halik. Mainit. Maalab. Mapusok. Tila ba inaangkin niya ang pagkatao ni Kenneth. Dahil sa gulat ay napatalon siya, ngunit agad sinapo ni Jericho ang kaniyang baywang at hinigit ang kaniyang katawan palapit sa kaniya. "Jeric, ano itong ginagaw—" hindi na maituloy ni Kenneth ang kaniyang sasabihin ng ipagdiinan ni Jericho ang kaniyang labi sa mga labi niya. "Giving you what you want. Ito ang gusto mo, hindi ba?" tanong niya habang naglalakbay ang eksperto niyang mga kamay sa katawan ni Kenneth. "Hmmm," tila nawala na sa sarili si Kenneth nang ipagdiinan ni Jericho ang kaniyang katawan sa kaniya. "Patawad, Kenneth. Nang dahil sa akin ay nahihirapan kang makisalamuha sa akin. Kailangan mong itago ang nararamdaman mo para sa akin. Kailangan mong isakripisyo ang pangarap mo. Patawad din...hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo," Jericho whispered tenderly against Kenneth's lips, before claiming his body into the bed. The next hour was filled with passion as the two of then moved together in a symphony of love and pain, their limbs now tangled with the white sheets of the bed. Kenneth feel his own body tremble under Jericho's as he kisses him torridly. He watched him as pull his clothes one by one, from his shirt, his pants, everything, until he is as naked as a newborn. "S-sigurado ka ba rito sa gagawin natin?" he whispered shakily, his voice filled with concern. "Don't worry, Ken. I have protection," sagot ni Jericho. "And I trust you." Hindi na nag-alinlangan si Kenneth at tuluyan nang isinuko ang sarili sa kaibigan. Hindi na rin nag-atubili pang ibigay ni Jericho ang lahat para mapaligaya ng lubos ang kaniyang pinakamamahal na kaibigan. Matapos magpakaligaya sa piling isa't isa ay hinatid ni Jericho si Kenneth sa kaniyang bahay. Isang halik pa ang binigay ni Jericho kay Kenneth bago ito umalis. "Thank you sa kanina, Jericho," sabi niya pagkahatid sa kaniya ni Jericho sa gate. "No problem. Basta, sa atin lang ito," ngiti naman ng maskuladong binata. "And I'm also sorry na ito lang ang kaya kong ibigay sa iyo. I wish you find the right one for you." Isang tango ang itinugon ni Kenneth, pilit tinatago ang sakit sa likod ng kaniyang mga ngiti. Kita naman ni Jericho ang lunkot sa nga mata ni Kenneth. Marahan niya itong nilapitan at hinawakan sa magkabilang mga pisngi. "Sige, Ken, mauuna na ako... ingatan mo sarili mo, ha?" huling habilin ni Jericho bago paandarin ang kaniyang kotse. Pinanood ni Kenneth ang paglayo ng sasakyan ni Jericho bago pumasok sa bahay. Kasingsakit man ng kaniyang pang-upo ang naging paghihiwalay nilang magkaibigan, nagpapasalamat pa rin siya sa ligayang pinaranas ni Jericho sa kaniya. Oo, panandalian lang ito, isa lamang nakaw na sandali na sinulit nilang dalawa. Pero masarap pa rin dahil natikman niya kung paano mahalin at alagaan, pahalagahan, at masuklian ng pagmamahal na kay tagal niyang inipon para kay Jericho. "Salamat, Jericho. Hindi kita makakalimutan." ***** Napabuntunghininga na lang si Jericho habang sinasariwa ang nakaraang mapait. Hindi na niya ito mababalikan para maayos pa ang lahat ng sa kanila ni Kenneth at maibalik ang dati. Aayusin na lang niya ang lahat para sa gayo'y hindi na maulit ang nangyari kay Johnny. Tinuon na lang muli niya ang atensiyon niya sa team at binantayan ang mga play nila. "Wala pala kayo kay Johnny boy, eh!" Ngumiti si Theodore sa mga papuri ng mga kaibigan nila kay Johnny. Siguro ay ganoon din niya pupurihin ang kaibigan sapagkat magaling naman talaga si Johnny. Matapos ang practice ay muling nagkayayaan ang magkaibigan na gumimik. Sinasali nila si Jericho na sa una pa'y tatanggi-tanggi pa. "Sige na, Capt., konting shot lang, oh," buyo pa ni Neon, "minsan-minsan lang naman, eh." Sa huli ay napasama rin si Jericho sa kanila. Matapos maligo ay nagbihis sila ng mga pamporma nilang mga damit at sama-samang nagpunta sa bar. Sinama rin ni Theodore si Johnny pero sumaglit lang siya roon dahil hindi siya sanay sa maiingay na lugar. "Una na ako, ha? Marami pa pala akong gagawin sa bahay," palusot ni Johnny na ikinangisi lang ni Theodore. "Ano ba iyan? Kakarating lang natin, eh. Happy happy muna tayo!" pagpupumilit pa ni Theodore, "Hindi ka naman namin isusumbong kay Tito Derrick, eh." Ngunit talagang hindi sanay si Johnny sa maiingay na lugar, at halata naman iyon ni Theodore, kaya hinayaan na lang niya si Johnny na umalis. Paglabas niya ng maingay na bar ay rindi na ang mga tenga niya sa lakas ng musika sa loob. Isa ito sa pinakaayaw ni Johnny — ang sobrang ingay na paligid. Tutal ay hindi naman siya uminom, ay pumunta si Johnny sa sakayan ng jeep at dumiretso ng uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD