Sea's POV "Pssstt! Tulala ka diyan girl?" Napabalik ako sa katinuan nang kalabitin ni Janna. "Inggit ka noh? Gusto mo magkababy o type mo yung Daddy? Haha." Huminga ako ng malalim, para pala akong tanga na nakatingin sa mag-ama sa harapan ko. "Sorry, may naalala lang ako." Mula daw nang bumalik ako dito sa States para na akong lutang, laging nakatulala at hindi interesado sa ginagawa. Pumasok ako sa opisina. Napakamot sa ulo nang makita ang mga bulaklak sa lamesa. "Andami na namang kalat, kung magtayo nalang kaya tayo ng flowers shop tutal araw araw namang puno ang opisina mo ng bulaklak." Pagbibiro ni Janna ngunit wala ako sa mood na makipagbiruan sa kanya. Bigay ito ng mga secret admirer ko, mga kaibigan at yung mga taong natulungan ko bilang pasasalamat. Hindi ko ito tinatapon ka

