Lucas POV
"Yeah, i'm waiting here in the restaurant. Matatagalan ka pa ba?"
"No, medyo traffic lang. Give me atleast 15 minutes nandiyan na ako." Sea said, actually i'm hungry pero gusto ko siyang kasabay kumain kaya hinihintay ko ito.
Kasalukuyan akong nandito sa korean restaurant here in taguig. Masarap ang pagkain dito kaya paborito namin ni Sea. Wala naman okasyon, naisipan lang namin kumain sa labas. Nauna akong dumating dito kasi dumaan muna siya kay Doctor Sanchez for her monthly check up.
"Sige, mamaya na ako magorder pagdating mo. Be carefull, I love you."
"Okay, I love you too." Narinig kong sabi niya bago ibaba ang phone sa lamesa.
Tinago ko sa ilalim ang pinabili kong sunflower para kay Sea, sabi niya may goodnews daw siya, wala akong idea kung ano yun pero nagprepare nalang ako. Sabi niya favorite niya ang sunflower, ako daw ang pangalawang nagbigay sa kanya nito. The first who gave her this was his brother na pinipitas sa garden ng lola niya kapag pumupunta sila sa rest house sa probinsya nila.
"Hi Sir, would you like to order?" Tanong ng babaeng waiter na halata namang nagpapacute sakin.
Natawa nalang ako at napailing. "Nope, I'm waiting for my wife." Nadesmaya naman ang pagmumukha nito at pilit nalang na ngumiti.
Pagalis niya sa harapan ko may napansin akong pamilyar na mukha. It's Alec one of my friend, ngayon ko lang ulit siya nakita. Ang huli kong balita dito nagmigrate sila ng family niya sa America pagkatapos nang lahat ng nangyari, he was kissing a blonde girl na halos makita na ang buong katawan sa suot nito.
Alam ko may asawa at mga anak na rin ito, at sa nakikita ko ngayon nakakasigurado akong hindi niya asawa ang babaeng kahalikan.
Nakita niya ako kaya binulungan niya ang babae upang umalis ito. Lumapit siya sa kinauupuan ko, ayoko na sanang pansinin ngunit naisip ko na may pinagsamahan kami at ayoko siyang bastusin.
"How are you Bro? Nice to meet you again." Nakangiting bati ni Alec.
"I'm good, ikaw kamusta na it's been years ngayon lang kita ulit nakita."
"I'm perfectly good. Sa America ako nagstay for so many years, you know to move on and to look forward."
"Good for you bro." Sabi ko pagkatapos ay huminga ng malalim. "How's your family?your wife and your children." Sarcastic kong tanong.
'Hindi maganda ang ginagawa niya, hindi ako ang klase ng kaibigan na kokonsentehin ang panloloko sa asawa at anak niya.'
Masama naman itong tumingin sakin. "You know Bro, hindi nakakagwapo ang panloloko sa pamilya. Hindi mo alam ang pwedeng maging consequence ng ginagawa mo. Masasaktan ang mga ana--." Hindi ko na natapos ang sasabihin nang magsalita ito.
"Don't ever mention my kids here Mr. Lucas Miller. Wala kang alam, naiintidihan mo?"
"Hindi kailangan ng kaalamanan sa ginagawa mo Alec at hindi tanga ang mga tao para hindi malaman ang salitang cheating."
Tumawa ito ng mahina. "Umayos ka ng mananalita mo Lucas, gusto mo ba labasan ng baho. Sige pagbibigyan kita, yes i'm cheating with my wife and i don't fu*king care kung malaman niya ang ginagawa ko. What about you? Alam niya ba ang ginawa mo years ago?"
Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan pagkatapos ay galit na tumayo sa kinauupuan.
"Tao lang tayo Lucas, normal lang satin ang magkamali." Huminga ito ng malalim at tumayo na rin. "Yan ang natutunan ko sa pamilya mo. Lahat kaya nilang gawan ng paraan, ang mali ay magiging tama ang tama ay magiging mali, kaya if my wife divorce me, magpapatulong ako sa Daddy mo." Nagtagis ang bagang ko, nakasara ang kamao at handa nang sapakin ang mukha na nasa harapan ko.
"Wag mong idamay ang pamilya ko dito Alec." Madiin kong sabi.
"Pwes wag mo rin idamay ang pamilya ko dito Lucas, marami akong alam na ikakasira ng buhay mo. Don't try me." Walang sabi sabing hinawakan ko ang kuwelyo nito. "Wag kang gumawa ng eksena dito, act normal because your girlfriend is coming." Mahinang bulong nito. Kaagad ko naman itong binitawan nang makita ang nakangiting mukha ni Sea na papalapit samin.
"Hi, sorry to interrupt you guys. I'm Sea Fuentabelle, Lucas girlfriend and you are?" Masayang pagbati ni Sea, nakipagkamay pa ito.
"I'm Alec, one of the greatest friend ni Lucas." Sagot naman ni Alec. "You look pretty Sea." Gusto ko na siyang sapakin sa mga oras na ito, kung wala lang si Sea may kalalagyan na ito.
"Uhm... Hon let's go home." Sabi ko at hinila ang kamay ni Sea upang mapalapit sakin.
"Hindi na tayo kakain? I thought your hungry?"
"Magtake out nalang tayo sa ibang restaurant." Tumango naman si Sea pagkatapos ay nagpaalam kay Alec.
Hindi ko pinansin si Alec at dumiretso ng lakad habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sea.
"Ingat ka Sea." Nangaasar na sabi ni Alec, hindi ako tanga para hindi malaman na may laman ang sinasabi nito. Huminto ako at binitawan ang kamay ni Sea.
Mabilis akong lumapit kay Alec. "Nakalimutan kong magpaalam." Sabay ng malakas na suntok sa pagmumukha niya.
Nagsigawan ang mga tao at pilit kaming pinaglayo, pinatayo ng waiter si Alec dahil tila nahimatay ito sa malakas kong suntok. Kitang kita ko ang dugong lumabas sa bibig niya. Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, dapat nga binasag ko ang buong mukha niya.
Kinalas ko ang pagkakahawak sakin ng waiter, nilapitan ko si Sea at hinila palabas ng restaurant.
"Let's go home." Mahinang sabi ko.
Buong byahe siyang tahimik, bakas ang labis na pagtataka sa mukha. Pagdating namin sa condo dumiretso ito sa kwarto kaya sinundan ko ito.
"Hon." Tawag ko dito ngunit hindi ako pinansin. "Please talk to me."
"What's that Lucas?" Nakapameywang niyang tanong.
Umiling ako. "I'm sorry, ayoko na munang magpaliwanag sayo."
"Pwes don't talk to me." Padabog itong umalis sa harapan ko at pumasok sa cr.
Napapikit ako pagkatapos ay napasabunot sa buhok, gusto kong magwala ngunit pinipigilan ang sarili.
'What about you? Alam niya ba ang ginawa mo years ago?' Paulit ulit kong naaalala ang tanong ni Alec, paano niya nalaman ang tungkol kay Sea.
Ako, si Mom & Dad lang ang nakakaalam ng secretong yun. Kahit ang mga kaibigan ko, hindi nila alam na si Sea yun.
"Lucas." Napatingin ako sa nagsalita. Mukhang naawa naman ito sakin kaya nilapitan ako. "I'm sorry. You can tell me naman kasi what happened, bakit kailangan mo pang itago? May dapat ba akong malaman? I can help you."
"W---wala, nagselos lang ako, siguro the way he looks at you parang binigyan ko ng malisya." Wala sa sarili kong sabi, basta yan nalang ang lumabas sa bibig ko. "Tsaka w---wala akong tinatago sayo Hon. Nagselos lang talaga ako." Ngumiti naman siya at niyakap ako, hinalikan niya ang pisngi ko.
"I love you Lucas, dapat hindi mo na pinatulan. Kung nagseselos ka, you can tell me para ako nalang rin ang iiwas. Okay?"
Tumango ako at pilit na ngumiti.
"I love you too Sea."
'Kung alam mo lang, pinoprotektahan lang kita sa dapat mong malaman.'
"I'll cook dinner nalang, tutal hindi naman tayo nakapag takeout." Sea said.
'Bakit naguguilty ako? Feeling ko wala kaming pinagkaiba ni Alec.'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.