Migo was apologizing? Katapusan na ba ng mundo? Hindi makapaniwala si Lara. Napatingin talaga siya sa kasama na nasa daan na ulit ang atensyon. "What? Cat got your tongue?" tanong nitong panaka-naka siyang sinusulyapan. "I'm not sure if I heard you right," sagot niya na nasa mukha talaga ang hindi pagkapaniwala kay Miguel. "I think I really need to tell Rosette to schedule you a visit to your ENT doctor." Napapailing pero natatawang wika nito. "I'm not deaf, Migo," pagtatanggol niya sa sarili. "Hindi lang ako sigurado. This is not you, aren't you always mad at me? Bakit ka nagso-sorry?" "What do you remember of me when you were young, Lara?" With that question, Lara's mind automatically wandered to sixteen years ago. "Hindi ako galit sa 'yo," patuloy nito nang 'di siya sumag

