Ilang na ilang si Lara sa mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya intensyong magpapansin. Kaya nga siya nagpahuli eh. She was expecting everyone to be already busy when she arrived. Iyon pala ay mali ang strategy niya. And now, all eyes were on her. Salamat na lang talaga sa suot niyang maskara. Pero everyone who knew her could guess who she was. Konsolasyon na lang niya na hindi lahat alam na siya 'yong may sugar daddy. "Are you lost, your highness?" Napalingon siya sa pamilyar na boses. Si Jaxen, nakangisi sa kanya. Mata lang ang natakpan ng mask nito. "Ah, there you are!" Kumapit siya agad sa braso nito kahit 'di naman nito inaalok iyon sa kanya. She just felt like she needed to hold someone. "Mrs. Villareal, gusto mo ba akong masibak sa trabaho?" Pasimpleng binabawi

