CHAPTER 2

2972 Words
Rafa's Property Matamlay akong umupo sa sofa dito sa apartment namin ng kaibigan kong si Patricia. Magkaharap kami ngayon, she is eating some popcorn while looking at me fondly. Isang magaling na nurse si Patty pero sa ibang hospital siya nagta-trabaho. Magaling siyang magluto at magaling ding mang-asar. Tatlo silang magkakapatid at siya ang pinakamatanda, pero siya ang pinaka-isip bata. Mas matanda din siya ng dalawang taon sa akin, pero nakakainis pa din. “Spell it up. What is your problem, Juliana Gabriela?” Inirapan ko siya. “Kailan mo pa ginaya si Ken na banggitin ang buong pangalan ko?” “Ngayon lang.” “Sira,” I picked up the coffee she had brewed for me and drank it. “Mabutuntis ako, Patty.” Muling sabi ko bago ko nilapag ang tasa ng coffee sa mesa na nasa harap namin. “Pwede ba Gab, kung magbibiro ka lang naman, piliin mo naman ‘yung nakakatawang biro, ang boring kaya.” “I know you won't believe. Sinubukan ko lang sabihin sayo para kapag dumating ang panahon na mangyayari na nga, hindi ka na magugulat masyado.” Sabi ko sa kanya. I won’t take that matter too seriously at first. Pero, paano ako mabubuntis kung sa braso ko lang tinurok ang sperm na ‘yon? Haist, ewan, I really don't know anything about that stuff. But even so, I was still scared. Paano nga kung mangyayari ‘yon? Sperm ‘yon, nakakatakot pa din. I was suddenly shaken. I would just pray that the injection did not affect me so that I could breathe easily. Para na din tuluyan na akong makaiwas sa Rafa na ‘yon, I really can't handle his behavior. He already has all the bad habits. Tingin ko, noong nagpaulan ng kabaitan ang panginoon, kahit kakarampot ay wala siyang nakuha. Pero noong nagpaulan ng kasamaan si Satanas, lahat napunta lahat sa kanya. Rafa and I were batch mates in high school, so I knew exactly what he was doing. How he would get along with each student at the school they owned. How can he be a bully of pitiful students, at isa ako sa mga nakakaawang estudyanteng ‘yon. He has a very bad temper, but despite his evils, many women are still obsessed with him, many men are still envy and want to be friends with him, bagay na hindi ko maiintindihan sa mga estudyanteng mahilig maiinggit sa kung anong meron ang iba. Nakakaawa, mabuti nalang lumipat ako ng paaralan pag tungtong ko ng college, pero kahit anong lipat ko, nakikita ko pa din siya, kagaya ngayon, hindi lang kami basta nagkita lang, magkakaroon pa kami ng ugnayan, maliban nalang kung aalis ako sa lugar na ‘to. “Huy Gab!” Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang binato ako ng popcorn ni Patty. Ang sama din ng tingin niya sa akin. “Ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa ako nagsasalita dito, para namang wala akong kasama. Mabuti pa sana kung sasagot itong popcorn na kinakain ko.” “Sorry may iniisip lang.” Dinampot ko uli ang tasa at ininom ang natitirang laman nito. Hindi pa din kasi mawala-wala sa isip ko ang pangyayari kanina. Paano nalang kung magkatotoo nga? Paano nalang kung umipekto nga ang sperm na ‘yon? Kakagraduate ko lang ng college, magiging ina agad ako? Magiging surrogate mother? Pangalawang ina? Sa isang pagkakamali lang, napunta agad sa akin ang malaking problema? I am very careful in life so as not to make any mistakes or even problems that I cannot bear, but all of a sudden it happens? I went into my bestfriend’s Doctor’s office to ask for medicine for stomach pain but suddenly I made a mistake right away? Tapos ito na? Mabubuntis ako sa iba? Kahit malaki ang posibilidad na hindi ako mabubuntis dahil sa braso ko lang naman itinurok ‘yon, hindi pa din maaalis sa akin ang takot. Swerte ba ‘to, o kamalasan? "I know you're a crazy woman and you only open up to me once about your problems, pero base sa mukha mong parang pinagkaitan ng liwanag sa mundo, pwede mong sabihin sa akin kung ano ang nilalaman ng malalawak mong bungo.” Tiningnan ko muna siya saglit bago ko tinugon ang mga walang kwenta niyang pinagsasabi. "I've only been serious about what I'm saying once, pero hindi pa ito ang panahon sa MINSAN na ‘yan. Tss.” “Juliana!” Sigaw niya habang may popcorn na nakabara sa bibig niya. "You also have nothing to advise me because I'm sure, at these times, the popcorn you ate goes up in your brain." Pang-aasar ko sa kanya. Gusto ko lang ibahin ang usapan namin, ayokong problemahin niya ang problema ko. Magkaibigan kami oo, pero hindi magkadugtong ang mga bituka namin. I want to be the only one to solve my own problems, no one else's. “Nang-aasar ka ba?” “Hindi. Depende na ‘yon sayo kung maaasar ka.” I got up and went to the kitchen to wash the cup I used. Masyadong malaki ang apartment na ‘to, pero masaya na kami na kaming dalawa lang ang nandito. Hindi na kailangan ng ibang tao para lang magiging maingay ang buong paligid. Sa bibig pa lang ni Patty, sigurado akong magkasing ingay na ng palangke ang apartment na ‘to. “Nga pala Gab, dumaan dito kanina si Shawn, he was looking for you.” Sigaw ni Patty mula sa living room. Hindi ko na masyadong pinagtuonan ng pansin ang sinasabi niya. I don't care either. I no longer hope that they will visit me here again. Besides, may sarili akong buhay. Trabaho nalang ang kulang, kaya ko na din buhayin ang sarili ko. Hindi ko na hinahangad, o umaasa man lang na maaalala nila ako. Matagal ko ng inalis ang karapatan nila sa akin. Naramdaman kong lumapit siya sa akin. “Gab, alam kong malaki ang galit mo sa pamilya mo. Pero si Shawn, siya ang nagtitiis para sayo. Siya ang nandiyan para sayo. Sana naman mapansin mo ‘yon Gab.” “Matagal ko na silang inalis sa buhay ko, Patty. Kasali na siya dun.” “Gab, ilang beses mang magpapalit-palit ng babae ang daddy mo, kayo pa din ni Shawn ang kadugo niya. Sa inyo pa din siya uuwi.” “After what he did to us? After he left us? Maybe it's not too much for me to ask him to just disappear forever in our lives, in my life.” Ginanap niya ang mga kamay ko. “Pero bakit si Shawn? Why are you even driving him away?” “Ever since mommy died, ever since daddy traded us for another woman, do you think I can still trust my family? They are the same, leaving in the end.” “Eh ako, is that how you think of me?" “As I promised myself before, I will only value myself. Everything disappears. Everyone will leave this world. Lahat ng tao mawawala sa buhay natin. Why don't we just train ourselves to accept the fact that no one will last us, that no one will stay by our side but only ourselves.” “Is that how you think of me? You can answer me directly, Gab.” Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. “No. But we cannot change the truth. I am happy to be with you, but I have trained myself to be strong, because no one will stay with me.” Saglit ko siyang tiningnan bago ako tumayo. Lumabas ako sa apartment namin dahil gusto kong sumagap ng hangin. Parang maiiyak ako kapag kaharap ko si Patty. Hindi naman siya masamang kaibigan, in fact, she is always here by my side no matter how hard I try to drive her away, sa kanila ni kuya. I'm still lucky because she puts up with me, but it's hard to hope, especially since I've been a victim once. Napabuga ako ng hangin pagkatapos kong makalabas ng gate. Gusto kong maglakad-lakad muna dito sa labas dahil nakakabagot naman kung sa apartment lang ako magmumukmok. Subdivision itong tinutuluyan namin kaya wala masyadong sasakyan na dumaan. Ganitong lugar kasi ang pinili ni Patty dahil maarte din ang isang ‘yon. I slowly closed my eyes as I felt the air touch my whole face. Ang sarap sana sa pakiramdam ngunit agad akong napamulat ng mga mata ng biglang may magarang sasakyan ang huminto sa tabi ko. Kaagad akong napaatras ng may dalawang lalaking lumabas mula sa sasakyan at agad lumapit sa akin. "Ma'am, you have to come with us." Agad akong hinawakan ng isang lalaki sa kaliwang kamay ko at senenyasan ang kasama niya na gayahin ang ginagawa niya. “Teka, anong ginagawa niyo? Saan niyo ako dadalhin?” Nagsimula na akong kabahan dahil hindi ko naman kilala ang mga taong ‘to. Although, they are not scary because they are both in suits and they seem to work for a wealthy family, but the fact that I don't know about them at bihira nalang ang taong mapagkakatiwalaan ngayon ay siyang nagpapalakas ng kaba sa dibdib ko. “Pinapasundo ka ni Boss.” sabi nung isang lalaki na ngayon ay nakahawak na din kanang kamay ko at pilit akong pinapapasok sa sasakyan. “Bitiwan niyo ako, ano ba! Hindi ko kayo kilala at mas lalong hindi ko kilala ang boss niyo.” I tried to remove both my hands from their grip but I failed. They managed to get me into the car slowly. Nakakapagtaka nga ang ikinikilos nila. They seemed so scared to hurt me that no matter how hard I struggled, they managed to get me into the car unscathed. “Ayaw po naming masaktan kayo, kaya kung maari lang, tigilan niyo po ang paglilikot dahil hindi iyon nakabubuti sa kalagayan niyo.” Magalang na saad nung isa na ngayon ay nakaupo na sa driver sit. “Ano ba kasi ang binabalak niyo sa akin? Hindi ako mayaman. Hindi na din ako virgin, wala talaga kayong mapapala sa akin.” I'm lying. It's not true that I'm no longer a virgin, I'm just saying that so that they won't continue their evil plans against me. Namumroblema na nga ako sa kalagayan ko ngayon, dadagdag pa ang mga ungas na ‘to. “Wala po kaming masamang gagawin laban sayo ma'am. Mahal po namin ang mga buhay namin kaya sana, huwag mong sasabihin sa boss namin na hinahawakan ka namin. Sabihin niyo nalang na kusa kang sumakay sa sasakyan at kahit dulo ng buhok mo ay hindi namin hinahawakan.” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa pinagsasabi ng lalaking nasa likuran nakaupo. “Ano ang pinagsasabi mo? Kinidnap niyo ako tapos kayo pa ang ipagtatanggol sa kung sino mang poncio pilatong nag-utos sa inyo upang dukutin ako?” Halos luluwa na ang mga mata ko dahil sa inis. Kung kanina natatakot ako sa kanila, ngayon hindi na. Ako na nga itong biktima, ako pa itong inuutos-utusan nila. “Basta ma'am, hindi pa kami handang mamatay.” Nangungusap ang mga matang saad nung driver. Kinakausap niya ako sa pamamagitang ng maliit na salamin sa harap niya. Napairap nalang ako kasabay ng pagbaling ng tingin ko sa labas ng sasakyan. Pilit ko nalang nilalabanan ang takot at mga hindi magagandang idea na pumasok sa utak ko. Kung ano man ang mangyayari sa akin mamaya, pikit mata ko itong tatanggapin. Wala akong laban sa mga malalaking taong ito, babae lang ako, maliit pa. Lihim nalang akong nagdadasal na sana, hindi masamang tao ang nag-utos sa kanila at sa sinasabi nilang boss. Even though many bad things have happened to me, I am still not ready to die. Even though many problems came into my life, I still wanted to live. I still have a lot to do. I still have a lot to prove to myself na kaya ko. Na hindi ko kailangan ng ibang tao para mapatunayan sa sarili kong kaya ko. Kaya kong mabuhay ng ako lang. “Nandito na tayo ma'am.” Biglang huminto ang sasakyan sa isang malapalasyong bahay. Agad nagtungo ang driver sa kinaroroonan ko at binuksan ang pintuan ng kotse. Gusto ko mang tumakas ngunit naaalala ko ang mga mukha nila habang nakikiusap sa akin kanina. Hindi naman siguro masama kung pagbibiyan ko ang mga kidnaper na ‘to. Sumunod ako sa kanila habang naglalakad sa malaking pasilyo dito sa loob ng bahay. Sa mahabang red carpet kami dumaan at sa totoo lang, nakakalula ang laki ng bahay na ‘to. Black and white lang ang nakikita ko sa buong paligid. May mga naglalakihang painting din sa bawat dingding na dinadaanan namin. “Boss, Ms. Juliana Gabriela is here.” Huminto ang lalaking isa sa dumampot sa akin at sa harapan niya ay ang mahabang mesa na may lamang mga prutas. Maraming prutas. Tinatawag niyang boss ang lalaking nakaupo sa isa sa mga upuan ng long table at nakatalikod ito sa amin. “Okay, pwede na kayong umalis.” Sabi ng lalaki at dahan-dahang lumingon sa kinaroroonan namin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ito. “Rafael Zane Miranda?” Gulat na sigaw ko sahapangalan niya. Siya pala ang boss na tinutukoy ng dalawang ‘to at siya ang nag-utos sa kanila na dukutin ako? “Surprise?” Tumaas ang kabilang sulok ng labi niya. “Anong pumasok diyan sa utak mo? Bakit mo ako pinadampot?” Inis na saad ko sa kanya. “Here, take a sit. I just want you to eat some fruits. I want my child to be healthy in your womb.” Napasinghap ako ng wala sa oras dahil sa kagaguhang pumasok sa utak niya. Assuming talaga. “Assuming mo naman. Halatang-halata sa pagmumukha mo.” “Whatever.” He stood up and took a piece of watermelon. “Here, eat this one.” Tiningnan ko muna ang pakwan na nilahad niya sa akin. “Ayoko! Hindi ako kumakain niyan.” Bigla nalang tumalim ang mga tingin niya sa akin. “Will you eat it? Or you are the one I will eat!” “Hah! Hindi mo ako madadala sa mga ganyang galawan mo, Rafael Zane.” I turned to leave because I was just wasting time with him, ngunit bigla nalang niya akong binuhat at pinatong sa mahabang mesa na puno ng prutas. “Eat it! Or else, ikaw ang kakainin ko.” Suddenly a horrible grin flashed on his lips as his eyes narrowed at me. He rested one hand on the table as he faced me. His face is also very close to mine. Kahit nakaupo ako sa ibabaw ng mesa, nakadungaw pa din siya sa mukha ko, ang tangkad lang talaga niya. “Ano ‘yon? Kakainin mo ako? Pwede ba ‘yon?” Naguguluhang tanong ko sa kanya, and I struggled to resist his melting stares. His eyes are fascinating but since he is Rafael Zane Miranda who is stubborn, arrogant, goofy, rude and antipathetic, I promise myself that I will never be fascinated by those stares. “Do you want a demonstration?” I was suddenly startled by his hoarse voice. It's like flirting na ewan. “Ah, hindi ko man alam kung anong ibig mong sabihin, pero mas okay na ako dito sa prutas mo. Seryoso, okay na ako.” Agad kong kinuha ang pakwan na nilapag niya sa mesa at kinagat ito agad. I no longer get what he says but I sweat at what he does. I heard him laugh softly. “Okay, you say so, go ahead and eat all that, I'll just wash my hands.” Bigla naman akong nabilaukan dahil sa sinasabi niya. Seryoso? Ipapaubos niya sa akin ang lahat ng ‘to? Eh ang dami nito? “What happened? Nasusuka ka? I'll take you to the sink.” Hindi siya natuloy sa paghakbang patungo sa sink dahil agad niya akong nilapitan at akmang bubuhatin ngunit mabilis akong tumalon sa mesa at umiling. “Huwag na, ayos lang ako.” I refuse. “Sigurado ka? Hindi ka ba nasusuka?” Natatarantang tanong niya sa akin. “Hindi talaga.” “Seryoso ka? Hindi talaga?” Bigla namang nangunot ang noo ko dahil sa kakulitan niya. “Why do you want to throw me up? Are you crazy?” “Why not? You are pregnant, I just want to take care of you because my child is in your womb.” “Alam mo, ang oa mo. Kahapon pa nangyari ‘yon, t'saka hindi ako mabubuntis. Ano bang pinagsasabi mo diyan?” Suddenly the excitement on his face disappeared. “You can't get pregnant?” “Yes.” “Really?” “Oo nga, injection lang ‘yon. T‘saka sa ibang parte-” “What if, I'll give you a strange injection, so I can make sure you really get pregnant.” I was horrified again by the way he smiled and by his captivating stare. Really seductive. “Kakaiba? May kakaiba bang injection?” Naguguluhang tanong ko sa kanya. "There is, big and brown.” “Talaga? Sinong naka imbento?” “Ako.” Mas lumawak pa lalo ang ngisi niya dahil sa tanong kong ‘yon. “Siraulo!” “You want to take a look?” Nagulat ako sa ginagawa niya dahil dahan-dahan niyang binaba ang zipper niya kaya agad akong tumalikod. I just heard his loud laugh so I could feel the heat on my cheek even more. Dahan-dahan kong itinaas ang pakwan na bitbit ko at itinapat ko ito sa bibig. My cheeks got even hotter when I felt his breath near my nape. “Eat well, Juliana. The mother of my child, the Rafael's property.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD