PINALIGUAN at binihisan ni Cory ang anak. Pupunta sila ngayon sa dati nilang bahay. Pakiramdam niya hindi na siya makahinga sa bahay na ito. Palaging nasisigawan at pinapagalitan. Ang akala niya, kapag dito na sila nakatira ay matatanggap na siya ng Mommy ni Ely. "Nay, d'on na lang po tayo Tito Carvie. Yoko na po rito," nagulat si Cory sa sinabi ng anak. Wala namang nagtuturo ng mga ganoong salita. Umupo si Cory para magpantay sila ng anak. "Calli, dito na ang bahay natin. Dito na tayo nakatira kasama si Tatay." "Pero, Nanay. Galit po si Lola sa akin," umiiyak na ito. Nasasaktan siya kapag ganitong nasasaktan din ang anak. Kinabig na lang niya ng yakap si Calli at inalo.Kinarga na niya ito at kinuha ang bag para bumaba. Pababa na sila ng makasalubong ang Mommy ni Ely. Iniiwas niya

