12

1411 Words

KUNG wala pang tumawag kay Ely ay hindi ito uuwi at doon na muna sa bahay nina Cory matutulog. Sobrang ayaw nang malayo ni Ely sa anak. Dalawang taon niya itong hindi nakasama. Siyempre nangungulila pa siya sa anak niya na itinago ni Cory. "Carvie, ikaw na muna ang bahala sa mag-ina ko. Uuwi lang ako. Bukas ay babalik ako para makasama silang muli," bilin nitong kay Carvie. "Oo naman, Kuya Ely. Ako naman talaga ang laging tumitingin sa kanilang dalawa," sagot ni Carvie. Hinalikan ni Ely sa noo ang anak. Pagkatapos ay hinalikan niya sa labi si Cory. "I will be back. At maghanda na kayo sa pagbalik ko. Dahil isasama ko na kayo sa bahay ko," paalam ni Ely kay Cory. "Baby, uwi muna si Tatay. Babalik si Tatay, ha. Hintayin mo ang Tatay," paalam din nitong sabi sa anak. Yumakap naman si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD