9

1207 Words
ITO ang araw ng pag-alis at pagpunta ng Maynila nila Carvie at Cory. Kasama si Calli. Nakasakay sila ng barko. At bukas ng umaga ay nasa Maynila na sila. Ang daming pumapasok sa isip ni Cory. Paano kung magkita sila ulit ni Ely? Ano ang gagawin niya kapag nalaman nito na may anak pala sila? Dalawang taon din niyang itinago si Calli. Baka kapag nalaman ito ni Ely ay ilayo nito ang anak niya sa kanya. Magkakamatayan muna sila bago niya makuha amg anak niya. "Ang lalim ng iniisip mo, Ate," napalingon si Cory sa kapatid na tumabi na umupo sa higaan nila. "Iniisip ko lang si Calli. Natatakot ako, Carvie. Ngayon na pupunta tayo ng Maynila. Kinakabahan ako para sa anak ko," hindi na niya na itago ang kanyang nararamdaman. Ang malaking takit sa kanyang puso sa oras na makatapak ang paa sa Manila. "Dapat nga matuwa ka pa. Dahil babalik na sayo si Kuya Ely. Kapag nalaman niyang may anak kayo. Hindi mo na ba talaga mahal si Kuya?" "Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Kundi si Ely lamang. Siyempre dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na isang pagkakamali ang gabi na iyon sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisihan iyon. Isa iyon sa mga magandang ala ala na andito sa puso ko." Napangiti si Carvie. "Hayaan mo Ate kapag nakita ko si Kuya Ely. Hindi ko sasabihin na may anak kayo. Hahayaan kita na ikaw ang mag sabi sa kanya." "Salamat, Carvie." "Wala 'yon. Ikaw lang, e, ang tigas ng ulo mo," napahampas si Cory sa balikat ni Carvie. "Totoo naman, ah. Ang tigas ng ulo mo. Kung ako ang nakatagpo ng babae na kagaya ni Kuya Ely. Naku, hindi ko na pakakawalan. Itatali ko siya para hindi na makuha ng iba." "Oo na. Mali nga ako. Pero tapos na iyon, Carvie. Dalawang taon na ang nakakaraan. Baka nga may asawa na si Ely." "Saka pag aaral mo ang atupagin mo hindi ang love love na 'yan," pangaral pang dagdag ni Cory. Nakasakay na sila Cory at Carvie ng jeep papunta sa bagong titirhan nila dito sa Manila. Di magkamayaw si Calli sa pagtingin sa nagtataasang mga building na kanyang nakikita. Bumaba na sila ng jeep at naglakad papasok sa isang iskinita. "Carvie, ikaw na ang bahala sa bahay na ito. Kung may kailangan kayong magkapatid ay huwag kayong mangingiming lumapit sa akin," sabi ni Aling Tina. Tumango naman ng ulo si Carvie at ngumiti. "Salamat po." "Oh, siya. Maiwan ko na kayo at marami pa akong gagawin. Ang cute naman ng anak mo Cory. Guwapo siguro ang Tatay niyan. Kagandang bata," paalam nitong sabi. Hindi nito napigilang humanga sa anak ni Cory. Ngumiti lamang si Cory habang si Calli ay nakatingin lamang sa matandang babae. Umalis na ito at bumaling si Cory sa kapatid. "Tingnan mo. Makikilala at makikilala ang anak ko ni Ely," ani Cory habang pumapasok sila sa loob ng bahay. "Ate, saka mo na isipin 'yan. Hindi pa naman kayo nagkikita ni Kuya Ely. Saka linisin na natin itong bahay," tugon ni Carvie sa kapatid. "Nay, buhat ko," hila ni Calli ang laylayan ng damit ni Cory. Napatingin si Cory sa anak. "Halika, samahan mo ako. Bibili lang tayo ng pagkain diyan sa tindahan sa labas," sagot ni Cory. Saka niyaya ang anak na bumili sa tindahan. Lumabas ng bahay ang mag-ina at pumunta ng tindahan. Hawak sa, isang kamay ay nakangiti si Calli na nakatingin sa ina. Si Calli ay girl version ni Ely. Mapungay ang mga mata nito at ang buhok nito ay natural na chestnut brown. Sa buhok pa lang talagang aakalain nila na ibang lahi si Calli. Minsan pa ay napagkakamalang Yaya si Cory. Natatawa na lamang siya at hindi na pinapatulan ang mga ganoong komento sa kanilang mag ina. "PUWEDE ba tayong lumabas para magbreakfast, babe?" tanong na aya ni Gemma. Napahinto naman si Ely sa kanyang ginagawa. At tiningnan ang nobya. "Babe, ang dami ko pang gagawin. I have a meeting after thirty minutes. Puwede bang ikaw na lang? Babawi na lamang ako sayo mamayang dinner. I will take you out in a dinner," sagot ni Ely. Napasimangot si Gemma. "Okay. I want to go," paalam ni Gemma kay Ely na nakasimangot ang mukha. Napabuga ng hangin si Ely at hinawakan ang kamay ng nobya. "Alright. I will cancel all my appointments today and we will spend the whole day together. Okay na ba 'yon sayo?" wika ni Ely na nakangiti kay Gemma. "I love it, babe," sagot ni Gemma at nilapitan si Ely at niyakap. Tumayo na sila at naglakad na hawak kamay. Si Gemma Martino ay girlfriend ni Ely for a year. Masaya naman si Ely at mahal naman niya si Gemma. Pero pakiramdam niya may kulang. Hindi ito kagaya ng naramdaman niya para kay Cory. Kay Cory kinabukasan nuong gabi na may nangyari sa kanila ay mahal na niya kaagad si Cory. Pero kay Gemma, mahal naman niya ito. Pero hindi niya maintindihan, bakit ganoon? May hinahanap pa siya na hindi niya makita. "Where do you want to go after this?" tanong ni Ely kay Gemma. Napatigil si Gemma sa pagkain at nag isip. "Why don't we spend together in my condo. Tutal naman hindi ka na papasok sa opisina mo, di ba?" sagot ni Gemma. Mahal na mahal niya si Ely. Kahit pakiramdam niya napipilitang lang ito. "Babe, puwede bang lumabas na lamang tayo?" "Bakit ayaw mo ba akong masolo? Sa isang taong wala pang nangyayari sa kanila. They do petting and oral s*x pero not all the way. Dahil kay Ely. Every time na lumalalim ang nangyayari sa kanila ay si Ely na ang tumitigil at pagkatapos ay umiiwas. Lumipas ang tatlong buwan at nasanay na din ang magkapatid na sina Cory at Carvie sa bago nilang tirahan. Pumapasok na din ito sa University at si Cory ay nagtatrabaho na waitress sa isang restaurant. Habang naiiwan si Calli sa landlady nila. "Nay," tawag ni Calli sa ina. Habang nasa pintuan na ito ng bahay nina Aling Tina. Tumakbo at yumakap ito sa ina. "Naku, Cory. Kanina ka pa tinatanong nitong si Calli. Tamang tama at dumating ka na," sabi ni Aling Tina habang lumalapit ito sa mag ina. "Pasensya na po Aling Tina. Medyo ginabi po ako ng uwi. Pinag overtime po ako sa restaurant. Kamusta naman si Calli sa inyo?" sagot ni Cory. Saka inakbayan ang anak. "Okay lang sa akin iyon, Cory. Kahit paano ay may nakakasama ako dito sa bahay. Ang problema ay itong si Calli. Palagi kang hinahanap. Alam mo naman na wala akong problema dito kay Calli. Aba'y napakabait na bata nga nito" "Salamat naman po at hindi kayo pinapahirapan ni Calli. Sige po, Aling Tina. Maraming salamat po," wika ni Cory. Tumango ng ulo si Aling Tina at hinalikan sa pisngi si Calli. "Ito po pala, para po sa inyo," sabay aboy ng pagkain ni Cory kay Aling Tina. "Naku, nag-abala pa itong bata na ito. Pero salamat dito sa dala mo," nakangiting sabi ni Aling Tina. Tumango na lamang ng ulo si Cory. At tumalikod na sila sa matanda ng landlady nila. Hawak ni Cory ang anak na naglalakad sila papunta sa kanilang pinto. Ang kanilang inuupahan na bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD