3

1026 Words
PAWIS na pawis na si Cory habang naghahanap ng bagong trabaho. Inabot na siya ng tanghalian wala pa din siyang nakukuhang bagong trabaho. Mahirap talagang makahanap ng trabaho ang hindi nakatapos ng kolehiyo. Ilang araw na din siyang naghahanap. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na makahanap ng bagong trabaho. Mauubos na din ang ipon niya. Hindi pa rin niya nakukuha ang separation pay niya sa bar na dating pinagtatrabahuhan. Napadaan siya sa isang fast food chain. Naiinggit siya sa nakikitang mga batang masaya kumakain. Kasama ang buo nilang pamilya. Sana kahit makatikim man lang ang mga kapatid niya masasarap ba pagkain. Masaya na siya. Pero parang malabong mangyari iyon. Dahil kailangan pa niyang bumili ng gamot ni Cathleen. Higit na mas kailangan ni Cathleen nang gamot. Dadating din ang panahon na maibigay niya ang gusto ng kanyang dalawang kapatid. Naisipan ni Cory na pumasok sa loob ng fast food at tingnan ang presyo ng mga pagkain. Titingnan din niya kung may sobra pa sa pera niya. Kahit pangpasalubong lang niya sa dalawang nakababatang kapatid niya. Sa 'di kalayuan ay may matiyagang nag aabang na lumabas si Cory sa fast food. Sout ang kanyang cap at shades para hindi siya makilala. "Baby, enough for your hide and seek," sabi ni Ely. Maya maya pa ay nakita niyang lumalabas ng fast food si Cory. Malungkot itong naglalakad. Nagtagal doon si Cory wala itong dalang supot ng pagkain. Mabagal na pinaandar ni Ely ang kanyang kotse. At hindi inaalis ang mga mata kay Cory. Inihinto niya ang kotse niya sa gilid ng daan at lumabas ng kotse. Hinabol niya si Cory. "Cory," tawag ni Ely dito. Napahinto si Cory nang may tumawag sa kanya. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Bumilis ang t***k ng puso niya. Kilala niya ang boses na iyon. "Hindi puwede. Hindi siya 'yan," nakapikit na sabi ni Cory sa isip. "Cory, can we talk? Basta mo na lamang ako iniwan ng hindi man lang tayo nagkakausap," hinawakan na ni Ely si Cory sa braso at pilit na inihaharap ito sa kanya. Naestatwa si Cory at ayaw nitong humarap kay Ely. Hindi maari. Ang bilis naman nila magkita ulit. Ayaw pa sana nitong makaharap si Ely. Pero anong gagawin niya gagawin niya ngayon, andito si Ely sa likuran niya? "Wala man lang ba sayo ang nangyari sa ating dalawa? Cory, you've lost your virginity b'coz of me. And I will take the responsibility to you and of course. Kapag nabuntis kita. Hinanap kita. Bakit kaba nagtatago dito? Iniiwasan mo ba ako?" "Ely, gusto ko ng tahimik na buhay. Layuan mo na ako. Hindi ako mabubuntis at wala kang dapat na panagunatan sa akin. Wala tayong relasyon," tanggi ni Cory. "Please, Cory. Humarap ka nga sa akin. Tingnan mo ako. Sabihin mo sa harapan ko na wala lang talaga sayo ang nangyari sa ating dalawa. Ang isang gabi na pinagsaluhan nating dalawa." Napilitang humarap si Cory kay Ely. "W-Wala lang s-sa akin. Okay na ba? Kuntento kana ba? Sige na umalis kana, Ely!" "Eh, bakit hindi ka makatingin sa akin? Why you stutter? Hindi ako naniniwala, Cory. Can you give me a chance? Gusto ko lang mapalapit sayo. Lalo lang lumala ang guilt ko dahil sa sinabi mo." "Ely, bumalik kana ng Manila. Hayaan mo na ako dito. Hindi tayo bagay. Mayaman ka mahirap lang ako. Kaya tigilan mo na ako" saad ni Cory at muling tumalikod kay Ely. Nalaglag na ang luhang kanina pa niya pinipigilan na bumagsak mula sa mga mata niya. Pinunasan ni Cory ang mga luha niya, saka nagmamadaling naglalakad palayo kay Ely. Naiwan si Ely na napabuga ng hangin. At nakapameywang na tinitingnan lang si Cory na papalayo sa kanya. Muling binalikan ni Ely ang kanyang kotse at pumasok sa loob. Binuhay niya ang makina at pinaandar. Sinundan niya si Cory. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha si Cory. Kung kailangan na suyuin niya ito ay gagawin niya. Basta maniwala lang si Cory na wala siyang intensyon na masama sa kanya. "Ely, inlove ka ba kay Cory?" pasipol sipol na tanong niya sa sarili. Malawak ang ngiti na nakatingin kay Cory na naglalakad. Ang lalaki ng hakbang na pumasok kaagad ng bahay nila si Cory. Inilock ang pinto at napasandal sa pintuan. Naghahabol ng hininga na animoy hinahabol. Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Ate, andito ka na pala?" bungad na tanong ni Carvie. Nilapitan ni Cory ang kapatid. "Kumusta si Cathleen?" "Nasa kuwarto na. Doon ko nalang siya pinaglaro. Ate, may problema ka ba?" "Wala naman. Maliligo lang ako at pupuntahan ko si Cathleen," sagot ni Cory sa kapatid. "Okay, Ate. Gutom ka na ba?" "Mamaya na lang. Sige na," tumango ng ulo si Carvie sa kapatid. May kakaiba dito. Parang natatakot at kinakabahan. Inihinto ni Ely ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sinisilip ang bahay na pinasukan ni Cory. Pagkaraan ng ilang minuto na pagmamasid ay umalis na din si Ely. Babalik siya para kumbinsihin ulit si Cory. Pagkatapos maligo ni Cory at makapagbihis ay diretso agad siya sa kuwarto nila. Naabutan ang bunsong kapatid na nakaupo at naglalaro ng kanyang lumang manika. "Ate!" masayang sabi ni Cathleen. Nilapitan kaagad ni Cory ang kapatid at niyakap. "Kumusta ang pakiramdam mo? May iba ka bang nararamdaman? Kapag hindi ka makahinga sabihin mo kaagad sa Kuya mo o kaya sa akin," mga bilin ni Cory sa kapatid nuong iniharap niya ito sa kanya. Umiling iling ng ulo si Cathleen. "Huwag ka na pong mag-alala sa akin, Ate. Okay na okay po ang pakiramdam ko ngayon," nakangiting sagot ni Cathleen. Napangiti si Cory at muling niyakap ang kapatid. "Mahal na mahal ka namin ng Kuya Carvie mo," saad ni Cory at hinalikan sa buhok ang bunsong kapatid. "Mahal ko rin kayo, Ate," tugon ni Cathleen. Kinabukasan, hindi nakatulog ng maayos si Cory sa pag iisip. Paano nga kaya kung mabuntis siya? Anong gagawin niya? Dumadagdag pa siya ng problema. Kung buntis nga siya. Paano niya bubuhayin ang magiging anak niya? Hindi naman niya iyon pinagsisisihan. Pero ang hirap na ng buhay nila. Saan siya kukuha ng pera para ibuhay sa anak niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD