AFTER two weeks on honeymoon. Ely and Cory decided to go home. Namiss na nila ang anak nilang si Calli. Kung puwede lang na dalhin nila sa honeymoon si Calli ay ginawa na nila. Pero si Carvie na ang nagkomento na dapat ay sila lamang dalawa ang dapat na magbakasyon. Tutal kakasal lang nila. And they need to spend together on a vacation. "Nanay, Tatay!" masayang sigaw ni Calli habang nakikitang palapit sa kanila sina Ely at Cory. Niyakap naman kaagad ni Cory ang anak. Pagkatapos ay hinagkan ni Ely ang anak sa pisngi. Masaya silang mag-asawa na makita ang anak. "Namiss kita, Calli," magiliw na sabi ni Cory habang hawak sa baba ang anak. Saka hinalikan ito sa pisngi. "Ako rin po," magiliw na tugon din ni Calli. "Susunduin na namin si Calli, Carvie. Salamat sa pag-aalaga sa anak namin," a

