NAKARATING Cory at Francis sa bahay ni Ely. Agad na lumabas si Francis at umikot para pagbuksan si Cory ng pinto. Nakangiting inilahad ni Francis ang kamay kay Cory. Parang nawala na kaagad ang sakit naramdaman niya kanina. Kinuha pa ni Francis ang isang kamay ni Cory at hinanap ito. "Mag iingat ka rito, Cory. Whenever you need my help just call me. We are still friends, remember that," sabi ni Francis. Tumango ng ulo si Cory. Hinalikan ni Francis sa noo si Cory. Ngumiti naman si Cory sa ginawa ni Francis. "Ipagdadasal ko na makita mo na ang babae na mamahalin ka pabalik. At oo naman, magkaibigan pa rin tayo. Hindi na 'yon magbabago, tayong tatlo nila Glenda," malawak ang ngiti na tugon ni Cory kay Francis. Gumanti rin ng ngiti si Francis. Binitawan na niya ang kamay ni Cory. At pu

