HINDI ko alam kung ano'ng dapat kong isipin matapos kong marinig ang mga sinabi ni Roven sa akin. Kung sana noon, sinabi na niya sa akin ang bagay na iyon, hindi sana kami humantong sa ganito. Kaya ko naman siyang intindihin, eh, kaya kong mag-adjust sa relasyon namin kung 'yon ang kailangan kong gawin. Hindi 'yong sasaktan niya ako sa pamamagitan ni Zandy. Hindi pa rin valid ang dahilang iyon para patawarin ko siya. Pasado alas-dose na ng gabi at hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Nagpasiya akong lumabas ng silid at tumungo sa terrace. Nakasuot lang ako ng pajama at sandong pantulog dahil mainit kanina sa silid ko. Matapos kong iwan si Roven at Zandy kanina, dumeretso ako sa bahay nila Mama at Papa para ilabas ang lahat ng sakit at galit ko sa mga nalaman ko. Hinayaan nila akong

