Chapter 3: Owner

1779 Words
Gianna's POV Habang kumakain kami ay panay ang interview sa akin ni Victor. I also meet Mang Dan. Mukhang mababait naman sila, Victor talked most of the time habang si Mang Dan ay tahimik lang na nakikinig at nakikitawa din. "So ano natapos mo? Akala ko talaga nag-aaral ka pa." Victor asked again. He seems so interested to know me. "HRS." Tipid kong sagot at nawala ang ngiti sa aking labi. The more I stay here my lies grows. I graduated as an architect, I already work as an intern pero hindi din agad natapos dahil gusto na ni Dad na ikasal na ako kay Almer Miller. "Wow! Dapat magtrabaho ka sa hotel o kaya restuarants." Sabi ni Victor pero nawalan na ako ng ganang makipag-usap. Pilit na nginitian ko na lang si Victor. Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagdilig ng halaman dahil utos ni Manang Hilda. I saw Victor waved at me saying goodbye, mukhang papasok na siya sa school. I waved back at nginitian siya. Malapit lang siguro ang bahay niya dito. "Goodmorning Manang Hilda." Masayang bati ko kay Manang ng makita siyang nagkakape sa kitchen. "Aalis lang ako Gail ah. Pakakainin ko lang ang mga baboy ko. Babalik din ako agad." Nagmamadaling saad niya kaya natapango na lang ako. Matapos ni Mang Dan magkape ay niligpit ko na ang lamesa at nilagay ang mga hugasan sa sink. Bubuksan ko na sana ang faucet pero nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa dining area. "May nakalimutan--" I stilled and frozed when I saw a man who is removing his jacket at natigilan din ng makita ako, hindi ko na napatapos ang sasabihin ko. I thought it was Manang. Pinasadahan niya ako ng tingin. His eyes lingered on my face pababa hanggang sa aking paa. He raised his left eyebrow and put his both hands on his waist. He seems familiar, saan ko nga ba ito nakita? Yes! The picture on wall, the guy wearing jersey in the beach. But I thought he was old, well he looks older than me. "Goodmorning Sir Nicholas!" Nakita kong nagulat siya sa biglang pagsalita ko. I bow my head and binalot ng kaba. For unknown reasons ay kinakabahan ako sa kanya. Manang Hilda always talked about him kaya tumatak na ang pangalan niya sa isip ko. "Who are you?" Takang tanong niya at lumapit sa akin. Inangat ko ang aking ulo at nagkasalubong ang aming tingin. "I'm Gail, your new maid?" Patanong kong saad kaya mas lalo siyang napakunot ng nuo. "I don't remember hiring you here." Seryoso niyang sambit. He is not a snobbish, rugged or even bossy one. Isang mature na lalaki ang nakikita ko ngayon sa harap ko. A serious handsome man. Yung tipong lalaki na focused and goal directed. He seems… like a real man. Napatikom ako ng bibig at hindi alam ang sasabihin. Manang Hilda didn't told him siguro at sabi niya ay hindi naman siya humihingi ng permission pa. "Well, Manang Hilda hired me." Mas lalo siyang napataas ng kilay at nanliit bigla ang mga mata. He's suspecting me. Sinabi ko ng titigil na ako sa pang-ingles! "As my maid?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at mas lalong lumapit sa akin kaya napahawak ako sa head ng sofa. Parang sinusuri niya ang mukha ko. Not technically your maid but as a maid. Not yours! Arrrrgh! Does I look suspicious? "Maid ng bahay mo." I uttered but my heart is beating fast. I never ever intimidated in my entire life infront of people dahil sila ang naiintimidate sa akin but how can this man make my legs tremble! "Uh-huh?" He let out a sarcastic laughed na para bang nagbibiro ako. "Oo." Inosenting sagot ko. Ano ba ang nakakatawa doon? "Maid na marunong mag-english?" Sambit niya sa sarili habang marahan ang tawa. "Hindi ba pweding intelligent lang?" I defend. Don't understimate the knowledge of maids. Hindi ibig sabihin na maid ay hindi na pweding mag-ingles. Our maids in the mansion also speaks English. "Miss. You don't need to apply as a maid if you want my attention." Saad niya kaya napapout ako. I didn't apply. I thought he was just mocking me but he is serious! "Sir Nicholas! Nakilala mo na pala itong si Gail. Hinire ko yan bilang yaya para naman kahit papaano ay may katulong ako. Pasensya na at hindi ko nasabi sa inyo, hindi din naman siya magtatagal dito. Kumain kana po ba? Halika at magluluto ako ng meryendahan para sa inyo." Masaya si Manang Hilda ng makita yung Nicholas at mabilis na dumiretso ito ng kitchen kahit may gulat sa mga mukha. His eyes become intensed at nakakunot ang nuo. Told you, I didn't apply. Para makaalis sa mga titig ni Sir Nicholas ay agad akong sumunod kay Manang. "I'll-- Tulungan na po kita Manang." Saad ko at nagmamadaling pumunta sa kitchen. "Si Sir Nicholas po yun? Ang bata pa pala." Bulong ko kay Manang Hilda na nagmamadali sa pag-ayos ng mga pagkain at tila nagpapanic. “Ah. Oo siya nga yun. Yung may ari ng bahay.” Busy niyang sagot. "Naku Manang! Nalinisan na ba ang kuwarto niya? Alam mo po bang darating siya ngayon?" Tanong ko habang tinutulungan ko siya. "Sigurado naman ako na hindi yan magtatagal dito kapag wala siyang pasabi na ipalinis ang kuwarto niya ay ibig sabihin nun hindi siya matutulog dito." Paliwanag ni Manang Hilda kaya napatango na lang ako. "Tulungan ko na po kayo?" Tanong ko kay Manang na nakanunot ang nuo at tila may iniisip. "Nakalimutan ko yatang bumili ng manok!" Dissapointed niyang sambit at tinignan ako. "Ako na po!" Mabilis kong saad "Sigurado ka na alam mo ang bilihan ng karne dito?" "Sasamahan ko na ho siya Manang Hilda." Sabay kaming napalingon ni Manang sa boses na pinagmulan nito. I saw Sir Nicholas leaning on the white wall while looking at us. Mukhang kanina pa siya andiyan. "Ayos lang po ba Sir Nicholas? Baka may gagawin pa kayo at makaabala lang kami." Si Manang Hilda. "No. It's fine." Tipid niyang saad at kinuha ang jacket nito na nasa sofa. Inabutan naman ako ni Manang Hilda ng pera bago kami umalis. Nang pumasok ako sa kotse niya ay naamoy ko ang bango nito. He's rich. Yun lang ang pumasok sa isip ko. If he is a bigtime businessman ay hindi impossibleng kilala niya ang pamilya ko. "Kaano-ano ka ni Manang Hilda?" Takang tanong niya habang binubuhay ang makina ng kotse. My heart beats fast, kinakabahan sa pagiging curious niya. "Hindi kami gaanung magkakilala." Yun lang ang sa tingin kong safe na sagot sa tanong niya. "Anong pangalan mo? Full name." Sambit niya kaya mabilis akong nag-isip. Surname Gianna! "Gail Pilar." Napakunot siya ng nuo pero agad ding sumeryoso. He pursed his lips at parang may malalim na iniisip. "So.. You're staying in my house?" He asked so I nodded. Hindi na siya muling nagsalita but he still glancing at me. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa daan at sa akin paminsan-minsan. Bumaba kami sa isang area na puno ng maraming tindang iba't-ibang klasing meat and seafoods. Sinusundan ko lang si Sir Nicholas dahil mukhang hinahanap niya ang karne ng mga manok at mukhang alam niya nga kung nasaan iyun, para bang pamilyar na siya sa lugar na ito.We stopped at the chicken meat vendor. "Ano ho sa inyo Maam!" Sabi ng lalaking tinder hindi pa nga kami tuluyang nakakalapit. "Bibili po ako ng chicken." Nakangiting sambit ko. Ramdam ko na binabantayan ni Sir Nicholas ang bawat galaw ko. "Ilang kilo ho ba?" Tanong ni kuya kaya napataas ako ng kaliwang kilay at nag-isip. Think Gianna! Ilang kilo ba ng manok ang kinakain niyo kapag may dinner? I don’t know! Ilan ba dapat? "Karneng manok po good for 5 persons manong." I said energetic. At least that is one of the safest answer para hindi mapahiya. Gianna! Ang talino mo talaga! I heard Sir Nicholas' small chuckled behind me. "Ah! Okay na ho ba ang dalawang kilo Ma'am?" Sambit ni Manong kaya napatango na lang ako. I glanced at Sir Nicholas' and his lips curved into a bit smile at parang pinipigilang matawa. "Let's go?" Tanong niya at tumango naman ako tsaka kinuha ang plastic na may lamang manok sa nagtitinda. Mabilis na kinuha sa akin ni Sir Nicholas yun kaya nagulat ako at hindi na nagawang tumanggi pa. He is very manly. "Sabi ni Manang Hilda ay hindi ka daw taga dito?" I asked curiously sumulyap siya sa akin pero agad ding umiwas. Nasa likod niya lang ako dahil masikip ang daan at madaming tao. "Yeah."Tipid niyang sagot. Magtatanong pa sana ako pero mabilis niyang hinigit ang braso ko at napasubsob ako sa dibdib niya. “Careful… Kapag mabagal kang maglakad, maiiwan ka at minsan naman ay mababangga.” Advice niya sa akin, sobrang dikit ng katawan namin at ngayon ko lang napagtanto na hanggang baba niya lang ako sa tangkad nito. I nodded my head and his grip loosen. Pinasok na niya sa likod ang plastic ng manok at pumasok sa driver's seat. Sumunod ako sa kanya at umupo sa front seat, kung saan ako nakaupo kanina. "May bibilhin ka pa ba?" Tanong niya sa akin matapos kong maglagay ng seatbelt. He examined every movements I made kaya hindi ko maiwasang mag-isip kung nagsususpetsiya na ba siya. "Wala na. Baka ikaw meron." Usal ko pero umiling lang siya at tumagal pa ang titig sa akin tsaka sa seatbelt ko bago pinaandar ang kotse. When we came home ay agad kong binigay kay Manang Hilda ang binili kong manok. Nagtimpla na din ako ng juice para kay Sir Nicholas. Matapos kong gawin yun ay dinala ko iyun sa dining area kung saan siya nakaupo sa sofa at may tinitignan sa macbook nito. "Juice po Sir Nicholas." Hindi niya ako tinapunan ng tingin at tumango lang. Mukhang busy siya kaya iniwan ko na lang siya doon at tinulungan si Manang sa pagluluto. "Saan po 'to Manang?" Tanong ko at pinakita sa kanya ang natirang papaya. "Diyan mo lang yan Gail at ako na ang aayos niyan mamaya." Si Manang na busy pa din sa niluluto niya. Lumapit ako kay Manang at tinitignan siya. "Hindi po ba galit si Sir Nicholas sa pagpapasok mo saakin sa bahay niya?" Tanong ko. Kasi kapag naghihired kami ng new maid sa mansyon ay laging may background checked ang pamilya ko. They are very strict when it comes to our securities kumpara sa kanila. "Napakabait na bata niyan ni Sir Nicholas. Madaling magtiwala pero kapag nawala mo naman ang tiwala niyan, mahirap ng ibalik." I stilled when Manang Hilda said that. Para bang tinamaan ako doon kahit hindi naman yun ang punto niya. “Ayo slang yan kay Sir Nicholas, ibebenta na din naman itong bahay.” She added.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD