"So, ano ngayon ang plano mo, anak? Sinabihan na kita noon pa man na kailangan mong ayusin ang tungkol sa bagay na iyan. Mga bata pa lang sila ngunit nagawa na nilang magsinungaling. Kinalaban pa ang asawa mo. Paano na lamang pagdating ng panahong may wastong gulang na sila? I'm not forcing you to do anything but I just want you to know what's going on." "Hindi ko alam, Daddy. Sa lahat ng tanong mo at mga nangyayari sa paligid ko ay wala akong matinong maisagot. Dahil sa katunayan ay wala talagang pumapasok sa aking isipan." "That's understandable, son. Pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit ganoon na lamang ang pagdistansiya mo kay Faith Ann. Kung ano nga ba ang problema at halos hindi mo siya harapin. Alam mo bang napakasuwerte mo sa kaniya? Both of you didn't trust each other way

