"SO, it's all because of you, Miss. Alam mo bang gustong-gusto kitang patayin ngayon din?!" mariing saad ni Ace nang nakita ang babaeng inakala nilang patay. "Well, not at all, Mr African. Sigurado akong sa ngayon ay alam mo na kung sino ang tunay na dumukot sa anak mo." Imbes na kakitaan ito ng takot ay taas-noo pa itong humarap sa kaniya. "Of course! Alam ko dahil wala namang ibang gagawa ng kawalang-hiyaan kundi ang tulad mong demonyo! Ngunit nagkamali kayo ng binangga. Dahil iba ako sa asawa ko. Ngayon ilabas mo ang anak ko kung ayaw mong kahit ang kaluluwa mo ay hindi makapasok sa impeyerno!" Pang-aasar pa niya. Tama! Pang-aasar dahil siya ang nagpresinta sa mga police na maging pain upang ilabas ng dalagang Williams ang anak niyang ilang araw nang hindi nakauwi. At sa nakaraang ar

