Naka upo ako sa opisina ko at marahang napa buntong hininga, ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib dulot ng kwento ni Karylle. Halos pariho kami ng kwento, nabigla din kami sa hindi inaasahang pagkamatay ni papa. Pero ang kaibahan lang namin,,,,, pinili ng kanilang ina na magpaka tatag at itago ang kalungkotang nararamdaman para maitaguyod silang magkapatid. Samantalang si mama ay nagpakalunod sa kalongkutan at nag hanap ng kalinga sa iba, sarili nya lang ang inisip niya ng magpakalunod siya sa bisyo kasama ang bago niyang kinakasama na si Tiyo Raynan, at tila wala akong halaga sa kanya at basta na lang akong ibininta at pinang bayad utang sa d*m*n**ng si Ninong Harry, hindi pa siya na kuntento at inutusan pa niya si Tiyo Raynan na abusohin ako, kaya hindi ko sila mapapatawad! Napa hing

