’Pa-pano nyo na-nalaman?’’ Nauutal na tanong ko sa pagitan ng pag iyak ko. “hindi kasi ako mapakali, parang may bumobolong sa akin na kailangan mo ang tulong ko. kaya tinawag ko si ate para humingi ng tulong sa kanya na noon ay hindi din daw mapakali, hindi nya daw maintindihan kung bakit bigla ka daw nyang napanaginipan at humihingi ka daw ng tulong,” kwento ng kaibigan ko sa akin, napaiyak naman akong lalo dahil sa mga narinig ko at niyakap sila ng mahigpit, “Salamat! Maraming maraming Salamat sa inyo!’ umiiyak na wika ko, maya maya ay may naalala ako at biglang kumalas sa pagkakayakap sa kanila. ‘’Ti-ika, pa-pano nyo nalaman ang-ang bahay ni Ninong Harry?” nag tatakang tanong ko, yumoko si Ate Shaira at nakita kong yumogyogog ang kanyang balikat dahil sa matinding pag iyak. “A-ate, ba-

