Naka higa ako sa kama habang naka tingala sa kisame ng kwarto ko, totoo naman ang sinabi ko kay Ian na may pasyente akong kailagan totokan, at talaga namang labis akong naapiktuhan sa kwento ng buhay nila dahil nga halos pariho kami ng napagdaan. Kaya nga lang ay magka ibang magkaiba ang kung paano hinarap ng kanilang ina ang pagsubok na dumating sa buhay nila. Napahinga ako ng malalim at naisip ang kaibigan at kasabwat ko sa pag hihiganti. Kaya pala naging malapit kaagad kami sa isa’t isa sa kabila ng mailap ko sa mga taong nakakasalamuha ko ay dahil itinakda pala talaga kaming maging magkasangga sa misyong makapag higanti. Ako, ay para maipag higanti ang sarili ko sa mga pang aabuso ni Ninong Harry at mga tauhan nito, samantalang siya, ay para ipag higanti ang kanyang kapatid na katula

