“THANKS for doing this.” Ginulo ni Iñaki ang buhok ni Gilbert habang binubuksan ang pinto ng kanyang bahay. Sinamahan niya si Gilbert sa therapy nito dahil nag-emergency day off ang yaya at walang ibang maaaring sumama sa bata. He was doing so well in therapy. Gilbert was a smart boy. Naipaliwanag nang husto sa bata ang naging kondisyon nito. Sa paglipas ng panahon ay mas nauunawaan na nito ang tungkol sa Attention-Defecit Hyperactivity Disorder. They managed his inattention, hyperactivity, and impulsiveness. He was doing so well in school. “No need to thank me. You know I like hanging out with you.” At hindi lang basta sinabi ni Iñaki ang bagay na iyon. Oo at madalas na nakakapagod itong kasama o kalaro kaysa sa mga nakababata niyang kapatid ngunit napalapit na nang husto sa puso niya a

