“IDAAN na lang natin bukas sa laundry ang mga iyan.” Nakangiting nagtuloy sa laundry area si AJ at hindi gaanong pinansin ang sinabi ni Iñaki. Kauuwi lang nila sa unit nila at nais niyang ibabad ang inuwi niyang white coat at scrub suits. Idinamay na rin niya ang white coat ni Iñaki. Iilan lang namang piraso iyon kaya hindi na kailangan pang dalhin sa laundry shop. Nanghihinayang siya sa nagagastos sa laundry shop dahil kompleto naman ang kagamitan nila sa paglalaba, ngunit sadyang nahihirapan na siyang maghanap ng panahon para sa mga labada ngayon. “Sandali lang ako,” sabi niya. “Ihanda mo na ang higaan. You better be naked when I get there.” At napahagikgik siya matapos sabihin iyon. “Hurry up,” ani Iñaki. Mabilis niyang inilabas ang mga ibababad niya. Nais niyang matapos kaagad sa

