“KUMUSTA ka na bess?” tanong sa akin ni Maria nang magpunta ito sa condo para dalawin ako. Malalim na buntong-hininga ang pinakawlaan ko sa ere at malungkot na ngumiti. “Ganoon pa rin, Maria! Wala naman pagbabago.” Matamlay kong sagot saka ininom ang gatas na tinimpla nito para sa akin. Tatlong araw na mula nang una at huling tumawag sa akin si Mommy Lucy. Ito pa rin ako at araw-araw na naghihintay sa tawag nito para magbigay ng magandang balita tungkol kay Caspian. “Huwag kang mag-alala. Magiging okay rin ang lahat, bes!” Kailan? Hanggang kailan magiging okay ang lahat? Kasi parang ang tagal naman ata dumating ang araw na ’yon. Nasasabik na ako sa mahal ko. Hanggang kailan kami magiging ganito? Halos lahat ng taong nasa paligid ko ay iisa lang ang sinasabi sa akin. MAGIGING OKAY RIN

