CHAPTER 10

2203 Words
“MORNING!” Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko ang boses niya sa tapat ng mukha ko. Nakangiting mukha ni Kamahalan ang bumungad sa ’kin. “Good... mmm! Morning.” Utal kong bati sa kaniya nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko. Shocks! Nakakahiya! Bagong gising pa man din ako. Baka mamaya niyan ay bad breath pala ako! “Mmm, sarap!” aniya at hinapit ako sa baywang dahilan upang matanggal ang kumot na nakabalot sa akin. “Oppss!” napatingin siya sa tapat ng dibdib ko. Saka ko lang napagtanto na wala pala akong damit kung kaya’t nalantad sa harapan niya ang mga dibdib ko. Agad ko namang inangat ang kumot para takpan ang sarili ko. “Bastos!” inirapan ko siya. Tumawa naman agad siya. “Sorry, babe!” aniya. “Mmm! How are you? Still hurt?” mayamaya ay tanong niya sa akin. Agad ko namang pinakiramdaman ang sarili ko. Well, hindi na kagaya kagabi ang nararamdaman ko ngayon. “Medyo. P-pero... ’yong katawan at mga binti ko parang nananakit, e!” nakangusong saad ko sa kaniya. “I’m sorry, babe! Sana hindi na kita pinuwersa kagabi.” Saka niya ako hinalikan sa noo at niyakap. “Kasi naman... ayaw paawat.” Pabiro at tumatawang saad ko sa kaniya. “I love you, Sinag ko!” nakangiting saad niya at dinampian ang mga labi ko ng mabilis na halik. Napangiti na lang din ako sa kaniya at gumanti ng yakap. “I love you, too!” “Wait, are you hungry, babe? Hindi pala tayo nag-dinner kagabi.” Oo nga! Ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom. Paano, kagabi hindi na ako pinalabas ng kuwarto niya. Hindi na ako tinigilan hanggat hindi kami parehong pagod. “Hala! Late ka na rin sa trabaho mo. Teka at magluluto ako ng almusal natin.” Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Babangon na sana ako sa kama nang magulat na lang ako at inunahan niya akong bumangon at bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal. “Let’s go!” “Puwede naman ako maglakad, e!” saad ko habang inaayos ko ang kumot sa katawan ko. Ugh! Bakit ba nahihiya pa rin akong makita niya ang katawan ko? E, may nangyari naman na sa amin kagabi! “Ayokong mahirapan ka maglakad, babe.” Saka siya naglakad palabas ng kuwarto at tinungo ang kusina. Ibinaba niya lang ako nang nasa tapat na kami ng lamesa. Pinaupo niya ako sa isang silya. “Ako na ang magluluto babe, riyan ka na lang, okay?” Wala na nga akong nagawa kung hindi ang umupo sa puwesto ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatalikod siya sa akin at busy sa pagluluto. Napapalunok pa ako nang sunod-sunod habang pinagmamasdan ko ang likod niya. Nakasuot lamang siya ng boxer kung kaya’t kita ko ang malapad na likod niya; ang nagtitigasang mga muscles; ang maumbok na puwet niya na lalong nag pa-sexy sa likuran niya. Napapangiti na lang ako habang binabalikan ang mga nangyari sa amin kagabi. Ibinigay ko na talaga sa kaniya ang sarili ko! Pero wala naman akong nararamdaman na pagsisisi sa puso ko na ginawa ko iyon, dahil alam kong mahal ko siya. Ganoon din naman ang nararamdaman ko, mahal niya rin ako. “Are you done checking me, huh?” Napa-angat ang mukha ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na nakaharap na pala siya sa akin. “Pinagnanasaan mo ba ako, babe?” nanunudyong tanong niya at muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. “Mukha mo!” saad ko na lamang nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. “And why are you blushing?” nang muli siyang humarap sa akin. Awtomatiko naman akong napahawak sa mukha ko saka siya inirapan. “Magluto ka na nga lang diyan!” kunwari ay naiinis na saad ko sa kaniya. Tumawa naman siya at muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. “Let’s eat babe nagugutom na rin ako, e!” aniya nang matapos niyang ihain ang pagkain sa mesa at umupo siya sa tabi ko. Itlog, hotdog, hum at sinangag lang ang niluto niya. Iyon lang naman kasi ang madaling lutuin. At iyon lang ang alam niyang lutuin. “Bakit isang plato lang?” nagtatakang tanong ko nang siya lang ang mayroong plato sa tapat niya. “Susubuan na kita, babe! Alam ko kasing pagod ka kaya ako muna ang bahala sa ’yo ngayon, okay?” aniya saka ako kinindatan at walang paalam na hinalikan ako sa mga labi ko. Napaungol naman ako at napatugon. Pero mayamaya ay naitulak ko siya sa tapat ng kaniyang dibdib nang hindi na niya ako binitawan. Wala atang balak na pakawalan ang mga labi ko! Adik talaga ang lalaking ito! “Kakain ba o maghahalikan na lang ulit?” tanong ko sa kaniya. Pasaway kasi, e! Ngumiti lamang siya sa akin ng nakaloloko at kumindat ulit sa akin. “Puwede bang sabay, babe? Mas masarap ’yon.” “Puro kalokohan, e!” nakangusong saad ko na lang sa kaniya. Grabe pala talaga ang lalaking ito! Sobra sa kulit at adik din sa ano... sa halik. Tumawa lamang siya. “Joke lang. Ito namang, baby ko! Say ahhh subuan kita, babe.” Imbes na mainis sa kakulitan nitong kasama ko ay napapangiti na lang ako ng wala sa oras. Masyadong clingy, e! Mas maharot pa siya kaysa sa akin. Pero okay lang, kasi sa pagiging maharot at clingy niya nararamdaman kong special ako sa kaniya. “ANG AGA MO ATA—MA’AM!” nagulat ako nang pagkabukas ko ng pintuan ay mama ni Kamahalan ang bumungad sa akin. Excited pa ako at ang lawak ng ngiti ko kasi ang akala ko ay siya na ang dumating. “Hello, hija! Are you expecting Caspian?” nakangiting tanong sa akin ni Ma’am Lucy. “A, e, m-magandang gabi po, ma’am.” Utal na bati ko rito saka niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin ito. “Kumusta kayo rito ng anak ko?” tanong nito habang naglalakad na papunta ng sala. Sobrang kaba naman ang bigla kong naramdaman ngayon. Alam kong mabait si Ma’am Lucy dahil na rin sa naging bonding namin sa medical mission nila noong nakaraan, pero iba naman kasi ang usapan ngayon. Ako at ang anak nito. Lahat pa naman ng mga napapanuod ko sa tv, tutol ang mga magulang na magkaroon ng relasyon ang anak nila lalo na kung galing sa mahirap na pamilya ang babae. Paano kung magalit ito sa akin at palayasin ako rito? Paano kung iyon ang dahilan nito kung kaya’t nagpunta ito rito habang wala pa si Kamahalan? Paano na kami ni Kamahalan? Ayoko na magkahiwalay kami. Oa na kung oa. Advance lang ako mag-isip! Mayamaya ay narinig kong bumukas ang pinto at pumasok doon si Kamahalan. “Hi, babe! How are you?” Nakangiting bati niya sa akin saka mabilis na lumapit sa puwesto ko at agad na sinunggaban ng halik ang mga labi ko habang yakap niya ako sa baywang ko. Mas lalo lang ako kinabahan nang makita kong nakatingin sa amin ang mama niya. Agad ko siyang naitulak. “What? Don’t you miss me, babe?” kunot ang noo at nakangusong tanong niya sa akin. Hindi naman ako umimik at tumingin lang ako ng nag-aalangan sa mama niya. Napatingin din siya rito. “Mom?” Bale-walang saad niya nang makita niya ang mama niyang nakatayo sa gilid ng sofa. Napatungo na lang ako at naghintay sa susunod na mga mangyayari. Oh, jusko! Tatanggapin ko kung magalit man sa akin si Ma’am Lucy, pero huwag lang nito sasabihin sa akin na hiwalayan ko ang anak nito dahil hindi ko magagawa ’yon. “What are you doing here?” Tanong niya sa mama niya at inakbayan ako na lalo kong ikinagulat. “I thought na ngayon ang usapan natin para pormal mong ipakilala sa ’kin ang girlfriend mo.” Mababanaag sa boses nito ang pagkaseryoso. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko. Nag-uumpisa nang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa mga mangyayari ngayon. Hinila naman ako sa baywang ni Kamahalan upang lumapit sa mama niya. “I’m sorry I forgot.” Anang Kamahalan. “You already know Sinag, my girlfriend.” Nakangiting pakilala niya sa akin sa mama niya. Nang tumingin ako kay Ma’am Lucy, pakiramdam ko ay tinatambol nang husto ang puso ko dahil sa sobrang kaba at pag-aalala kung ano ang magiging reaksyon nito dahil sa mga sinabi ni Caspian. Seryoso pa rin ang mukha nito at hindi ko na kinayang makipagtitigan dito kaya napatingin na ako kay Kamahalan nang maramdaman ko ang masuyo niyang pagpisil sa palad ko. “Nakita ko nga kung paano mo halikan ang girlfriend mo sa harap ko. Tss! Pasaway kang bata ka! Hindi ka pa rin talaga nagbabago.” Gamit ang hawak nitong malaking pamaypay ay pinalo nito sa braso ang anak. Hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na mapangiti kahit kinakabahan pa rin ako. “Ma naman, e!” pagrereklamo niya habang nagkakamot pa sa ulo niya. Mayamaya ay binalingan ako ng tingin ni Ma’am Lucy. Taliwas sa inaasahan ko, ngumiti na ito sa akin ng ubod tamis. “I was expecting na ikaw talaga ang ipapakilala niya sa akin na girlfriend niya,” sabi nito. “Masaya ako para sa inyo.” Nagulat pa ako nang bigla itong lumapit sa akin at walang anu-ano’y niyakap ako nang mahigpit pagkatapos ay hinalikan ang magkabilang pisngi ko. Saka lang ako napanatag! Ang oa ko naman mag-isip kanina! Akala ko talaga magagalit sa akin ang mama ni Caspian, e! Pero mukhang masaya nga ito na malaman na ako ang girlfriend ng anak nito. Kitang-kita ko na sa mga ngiti nito. “S-asalamat po Ma’am Lucy—” “Mommy na ang itatawag mo sa akin mula ngayon, hija.” Putol nito sa iba ko pang gustong sabihin. “At ikaw naman lalaki, umayos ka! Kapag nalaman kong pati itong si Sinag ay niloko mo makukurot talaga kita sa singit mo.” Saad pa nito kay Kamahalan. Napangiti na lang ako nang makita ko ang hitsura ni Kamahalan. “Mom, nasa harap ko ang girlfriend ko pinapagalitan mo ako, tss! Sige na alis ka na at ng makapagsolo na kami ng Sinag ko.” Pagtataboy niya sa ina niya saka ako hinapit sa baywang at hinalikan ako sa labi. Pinalo ko siya sa braso niya. Ano ba ’yan! Ako tuloy ang nahihiya sa mama niya! Loko talaga ang lalaking ito! “Nako, Diyos ko ang batang ito oo.” Pinalo rin nito ulit sa braso ang anak. “Makaalis na nga! Umayos ka, Caspian! At ikaw na rin ang bahala sa anak ko, Sinag. Nice meeting you again.” Nakangiting anito sa akin saka ako hinawakan sa kamay. “Salamat din po, Ma’am Lucy—” “Mommy.” Pagtatama nito. Napangiti na lang ako ulit at inihatid na ito namin ni Kamahalan sa labas ng pinto. “Bye mom take care. I love you.” “Bye po. Ingat po kayo.” Mayamaya, bigla akong nagulat nang pagkaalis ng mama niya ay kaagad niya akong binuhat na parang bagong kasal. “Ano ba Kamahalan!” “Are you happy, babe?” tanong niya saka naglakad papasok sa kuwarto niya. Inilapag niya ako sa kama at tumabi siya sa akin. “Oo naman. Bakit?” “Akala mo magagalit sa ’yo ang mommy ano?” nakangiting tanong niya pa sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. “Alam niya no’ng isang araw pa. Nalimutan ko lang sabihin sa ’yo na pupunta siya rito ngayon.” Paliwanag niya habang hinahalik-halikan pa ang leeg at pisngi ko. “Kung anu-ano tuloy ang naiisip ko kanina. Akala ko magagalit siya sa akin, e!” Ngumiti lang ulit siya sa akin saka inangkin na naman ang mga labi ko. Ang adik tlaga ng lalaking ito! Galing trabaho pero nang mamanyak na naman! “Mmm! Awat na! Kain muna tayo at gutom na ako.” Itinulak ko agad siya bago pa kung saan mapunta ang halik at ang mga kamay niya. Mabilis pa namang pumasok sa ilalim ng damit at short ko ang mga palad niya. “Bitin naman, babe! Akala ko—” “Nako, Kamahalan! Tigil-tigilan mo ako sa kamanyakan mo, huh! Halika na at kakain na tayo.” Agad akong tumayo sa kama at lumabas na ng kuwarto niya. Narinig ko naman siyang nagsasalita sa likuran ko habang nakasunod sa akin. “Pero pagkatapos kumain babe, huh! Pampahimagas lang. Namiss kita, e!” aniya saka ako hinapit sa baywang ko at hinalikan sa pisngi ko habang papasok na kami sa kusina. Kung anu-ano lang masabi niya basta makuha lang ang gusto niya sa akin! Kung hindi ko lang alam na mahal niya ako, iisipin ko talaga na katawan ko lang ang habol niya sa akin, e! Pero ngayon, naniniwala na akong mahal niya talaga ako lalo pa at ipinakilala niya na ako sa mama niya. “Tss, ginawa mo pa akong dessert mo.” Kinikilig na sagot ko sa kaniya. “Higit pa sa dessert, babe.” Malambing na saad niya at muling kinintalan ng halik ang pisngi ko. “I love you, Sinag ko.” “Mahal din kita, Kamahalan ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD